^

PSN Showbiz

James pinataob na si Daniel!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Si James Reid na talaga ang hottest Kapamilya nowadays. Bukod sa every night ay trending at million ang tweets para sa On the Wings of Love nila ni Nadine Lustre, super in demand din ito sa mga out-of-town shows at endorsement.

Maging ang samahan ng tabloid and broadsheet editors, si James ang choice.

Tatlo kasi silang pinagpi­lian – Daniel Padilla, James, and Enrique Gil. Sa survey ng Kapamilya PR na si Aaron Domingo, tinanong ang members ng Society of Entertainment Editors kung sino sa tatlo ang gusto nilang makasama sa gabi in case na papipiliin sila.

At ang winner, si James.

Ang award, ang souvenir pillow ni James para sa OTWOL na extended hanggang February.

Dalawa lang ang pumili kay Daniel at isa lang kay Enrique sa Kapamilya Day for editors na ginanap sa Kidzania Manila last Thursday. So malinaw na mas hot na nga si James kesa kina Daniel at Enrique though pinipilahan ang pelikula ng LizQuen na Everyday I Love You.

Anyway, sayang at hindi na namin inabutan si Piolo Pascual with his son Iñigo na nag-welcome sa mga editor last Thursday sa pangunguna ni Kane Choa, head ng Corporate PR ng Kapamilya Network. Sandali lang daw ang actor dahil meron itong susunod na commitment.

At bongga rin dahil isang tweet lang about James, ang daming retweet ng fans.

Nga pala dagsa ang mga bata sa Kidzania Manila dahil ang ganda kung saan mararanasan ng mga bata ang mga ginagawa ng matatanda. Like maging fireman, court justice, baker, TV reporter, lahat as in. Maraming establishments na puwedeng subukan ng mga bata. Four to 14 years old lang ang puwede. Pero may parents lounge kaya no worries sa mga kasama ng bagets. Very safe rin ang lugar dahil ang daming nakabantay.

Sarah inuudyukang magkaroon ng second night ang concert

May clamor palang magka-second night ang gaganaping From the Top concert ni Sarah Geronimo sa Smart Araneta Coliseum on December 4.

Nagkakaubusan na raw kasi ng tickets para sa December 4. Pero wala pang decision ang Viva Concert kung may pangalawang-gabi sila.

Basta ang kuwento lang ni Ms. Bambi Diploma ng Viva Concert, todo na ang paghahanda ni Sarah. Kung noon daw, hands on na si Sarah sa kanyang mga concert, this time super hands on ito. As in lahat ay mino-monitor ng pop superstar. Pati raw ang mga pasabog na production number, noon pa pinag-isipan ni Sarah.

Ibang Kapuso aktor wala nang binatbat kay Alden

Paano kaya ia-accommodate ng Eat Bulaga ang mga papasok na advertisement ng mga pulitiko ngayong papainit na ang kampanya?

Ngayon pa lang, tambak na ang commercial nila kasama na ang ibang pulitiko na maagang naniguro ng TV ads, lalo pa siguro ‘pag malapit na ang election. Kasabay kasi sa pagputok ng AlDub ang pag-uunahan ng mga pulitiko na magpa-ad sa programa.

Teka mapanindigan kaya ni Alden na hindi siya magpapabayad sa pulitiko para iendorso? Si Alden ang hottest Kapuso actor at literal na natabunan na ang ibang Kapuso actor kaya naman na kay Alden ang tambak ng offer sa election at maging sa endorsement.

vuukle comment

AARON DOMINGO

ANG

DANIEL PADILLA

EAT BULAGA

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

EVERYDAY I LOVE YOU

FROM THE TOP

KIDZANIA MANILA

MGA

VIVA CONCERT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with