PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Vhong Navarro P5-M daw ang tinanggap... Daniel ikakampanya raw si Mar Roxas sa halagang P50-M!

Yaya Dub namimili lang ng tatanggaping endorsement

PIK: Nilinaw ng legal counsel ni Willie Revillame na si Atty. Leonard de Vera na nakapag-post na raw sila ng bail na 80 thousand pesos sa Quezon City Regional Trial Court bago pa lumabas ang desisyon ng Court of Appeals.

Itinuturing nilang paninira lang ito kay Willie para lituhin ang publiko lalo na’t namamayagpag sa r­atings ang Wowowin sa GMA 7.

Hindi pa muna nagsasalita si Willie sa ngayon at ang abogado na muna niya ang pinapagsalita kaugnay sa isyung ito.

Nung nakaraang Linggo ay mataas ang Wowowin at Sunday Pinasaya.

PAK: Tuwang-tuwa si Dra. Vicki Belo na ipinost sa kanyang Instagram account na nakuha nila si Maine Mendoza aka Yaya Dub bilang bagong endorser ng kanilang beauty clinic. Doon din nagpapa-treat si Alden Richards.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ipinost ni Dra. Belo na magpapa-treat si Maine ng hydra facial para lalong umaliwalas at lumiwanag ang mukha nito.

Isa lamang ito sa mga sunud-sunod na endorsement ni Yaya Dub. Ito lang daw muna ang ini-entartain na offer kay Yaya Dub, at hindi muna sila tumatanggap ng mga out of town shows o personal appearances.

Ang latest pa na narinig namin, kinukuha rin daw si Maine ng Bench. Hindi pa puwede si Alden dahil nakakontrata pa siya sa isang apparel na direct selling.

BOOM: Ngayon pa lang ay aligaga na ang supporters ng mga tatakbong pulitiko sa pagkuha ng mga sikat na celebrity para ikampanya sila.

Ang dinig namin, maingat ang mga higanteng network kagaya ng ABS-CBN 2 at GMA 7 sa mga offer ng mga malalaking pulitiko sa mga artista nila.

Hindi raw talaga sila basta-basta tumatanggap na kung maaari lang ay huwag na.

Kaya hindi namin alam kung totoo itong nabalitaan naming kinuha raw si Daniel Padilla ng kampo ni Presidentiable Mar Roxas sa halagang 50 million pesos.

Ang isa pang narinig naming tutulong sa pangangampanya kay Roxas ay si Vhong Navarro sa halagang limang milyong piso.

Haka-haka lamang iyon na naririnig at hindi na namin inalam sa kanilang kampo dahil nagdududa lang kami kung sasagutin kami ng totoo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: