^

PSN Showbiz

Cesar hindi na nakikita ang tatlong anak!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi isyu kay Cesar Montano na second choice lang siya sa role ni Tony sa MMFF (Metro Manila Film Festival) entry ng We Love Post, Haunted Tower Pictures, at Paralux Studios na Nilalang. Kahit 100 pa ang choices, ang importante, siya ang last choice at sa kanya napunta ang movie na unang in-offer kay Robin Padilla.

Kuwento ni Cesar, tinext niya si Robin after niyang tanggapin ang Nilalang at sagot ni Robin, ho­nored siyang si Cesar ang gagawa ng pelikulang action/spy-thriller/horror movie. Matagal na raw silang magkapatid ni Robin at magkaibigan, kaya wala talagang isyu.

Ang Viva Films ang distributor ng movie sa direction ni Pedring Lopez at aabot sa P40-M ang production cost. Lalakarin nitong magkaroon ng two premiere nights at ang isa ay Director’s Cut ang ipalalabas at mapapanood lahat ng eksena pati ang maraming love scenes ni Cesar kina Maria Ozawa at Meg Imperial. R-13 ang hinahabol na rating ni direk Pedring at kaya pang i-sanitize.

Ang Nilalang muna ang magagawa ni Cesar at hindi niya kayang tumanggap ng teleserye at mag-pulitika dahil may gagawin din siyang Hollywood movie. The same producer ng The Great Raid, ang first Hollywood movie niya, ang producer at nagka-casting na ngayon. From January 2016 to April siya magiging busy for this project.

Ang four-minute kissing scene nila ni Maria ang isa sa aabangan ng moviegoers dahil natulala raw si Cesar at nakalimutan ang linya niya. Naka-take four daw ang eksena, pero puring-puri ni Cesar si Maria dahil propesyonal, walang reklamo, at lahat ng eksenang ginawa pati paghiga sa puro alikabok.

Masaya si Cesar sa nang­yayari sa career ng anak na si Diego Loyzaga at natutuwa na okay ang relasyon nila at madalas silang magkita. The same thing cannot be said sa three daughters niya sa sabi nito “dati” kong asawa (Sunshine Cruz) na matagal na niyang hindi nakikita.

“I love my son, okay kami at natutuwa akong maganda ang career niya. As for my three girls, wala akong masabi. Matagal ko na silang last nakita at nami-miss ko sila. How much I miss them? I miss them more than my life,” pahayag ni Cesar.

AlDub movie sa Valentine naurong

Dalawang pelikula ang nakatakdang gawin ni Alden Richards for next year. Ang isa ay ang dapat Valentine’s Day movie nila ni Yaya Dub na mauurong sa March dahil sa schedule ng APT Entertainment. Si Mike Tuviera ang director nito.

Ang isa pang pelikulang gagawin ni Alden ay ang indie film na Eskaparate kasama si Nora Aunor to be directed by Adolf Alix, Jr., at kukunan sa Amsterdam.

Jennylyn naki-bonding sa nanay ni Dennis

Ikinatuwa ng fans na makita sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na magkasama sa block screening ng Felix Manalo sa Robinsons Galleria last Sunday. Ang maganda, present sa block screening ang mommy ni Dennis, kaya nagkita at nagbeso sila ni Jennylyn.

Sabi ng DenJen fans, nagkita ang future magbiyenan, pero nagkita na yata sina Jennylyn at mommy ni Dennis noong unang magkarelasyon sina Jennylyn at Dennis. Ang dad ni Dennis, present sa birthday ng anak ni Jennylyn.

Very proud tiyak si Dennis sa Felix Manalo at lalong humanga si Jennylyn sa husay na aktor ng kanyang “Papaw.” May mga naka-schedule na international screening ang movie na hopefully ay madaluhan ni Dennis at ng ibang cast ng movie.

AiAi at Piolo mama at papa ang tawagan

Mas marami ang positive reaction sa pinost ni AiAi delas Alas sa Instagram (IG) na exchange of tweet nila ni Piolo Pascual. Tinanong kasi si Piolo sa tapatan ng ASAP20 at Sunday PinaSaya at maganda ang sagot ng aktor.

Binanggit pa ni Piolo na friends sila ni AiAi at friends siya sa iba pang kasama sa both shows. Sabi pa nito, hayaan na lang pag-awayin ang two shows at gagawin lang nila ang kanilang trabaho.

Nagpasalamat si AiAi kay Papa P at Mama Ai ang tawag nito sa komedyana.

vuukle comment

ACIRC

ADOLF ALIX

ANG

CESAR

DENNIS

FELIX MANALO

JENNYLYN

MOVIE

NBSP

NILALANG

PIOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with