^

PSN Showbiz

Nagpa-picture habang tulog si Alden, anim na araw suspendido; Kathryn at Daniel gustung-gusto nang bumoto; Robin nahihirapang tanggalin ang natutunang bisyo

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Anim na araw na suspension ang ipinataw ng airline company management sa male flight attendant na nag-upload sa social media ng litrato ni Alden Richards habang natutulog ito sa sinakyan na eroplano.

SCENE: Nakaranas ng mga batikos mula sa AlDub fans ang flight attendant na inihingi na ng paumanhin ang pag-violate niya sa privacy ni Alden Richards. Nangako ang flight attendant na hindi na mauulit ang kanyang ginawa.

SEEN: Marami ang natuwa sa deklarasyon kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na kakandidato ito na pangulo sa 2016 at maghahain siya ng certificate of candidacy sa Biyernes. Umaasa ang mga supporter ni Santiago na hindi nito babawiin ang deklarasyon at magsasabi ng “I just lied” kasunod ang matunog na halakhak.

SCENE: Ngayon ang opening day sa mga sinehan ng The PreNup, ang romantic comedy movie nina Sam Milby at Jennylyn Mercado. Hindi kinagat ang isyu na puwedeng ma-in love si Jennylyn kay Sam dahil alam ng lahat na boyfriend niya si Dennis Trillo.

SEEN: Parehong excited sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa magaganap na eleksyon sa 2016 dahil kapwa sila first time voters.

SCENE: Mas marami ang may ayaw na kumandidatong senador si Manny Pacquiao sa 2016, kabilang ang mga kaibigan niya na nagmamalasakit sa kanya.

SEEN: Natuto si Robin Padilla na gumamit ng tabako para sa role niya sa Nilalang na hindi natuloy. Pinipilit ngayon ni Robin na talikuran ang natutunan na bisyo.

SCENE: Ang pasasalamat ni Bela Padilla kay Robin Padilla dahil pinuri nito ang pagganap niya bilang Honorata Manalo sa Felix Manalo ng Viva Films.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

BELA PADILLA

DANIEL PADILLA

DENNIS TRILLO

FELIX MANALO

HONORATA MANALO

JENNYLYN MERCADO

KATHRYN BERNARDO

ROBIN PADILLA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with