^

PSN Showbiz

Kauna-unahang Pinay Nora tatanggap ng award sa Gusi Peace

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ang first day taping ng Little Mommy at kasama agad si Nora Aunor sa cast na su­ma­bak. Tuesday, Thursday, at Saturday ang ta­ping schedule ng bagong primetime series ng GMA 7 sa direction ni Ricky Davao. Sa November 16 ang dinig naming pilot nito.

Kuwento ni Boy Palma, manager ni Nora, maganda ang role ng Superstar bilang babae na na-stuck sa Dekada ’70 at laging naka-bell bottom pants.

Sabi rin ni Boy, hindi muna magagawa ni Nora ang drama anthology na balak nitong i-produce sa GMA 7 under her NVC Productions dahil sa Little Mommy. Idagdag pa na three movies ang gagawin nito at da­hil sa hectic schedule, hindi na na­man ito matutuloy magpaopera ng lalamunan.

Tuwang-tuwa pala si Nora na mu­ling makatrabaho si Eddie Garcia na 20 years ago pa niya nakasama sa 1995 Viva Films movie na Bakit May Kahapon Pa? Naging director din ni Nora si Eddie sa 1979 mo­vie na Atsay, kaya reunion nila ang nasabing serye.

Samantala, tuluy-tuloy ang pagkilala sa talento ng Superstar dahil kabilang siya sa mga napiling Gusi Peace Prize Laureate-Overall International Performing Arts in Cinematic Excellence, Music and Arts. Siya lang ang only Filipina na napiling tumanggap ng award.

Jolo at Jodi walang problema ang relasyon, pruweba ang pictures sa social media

Natawa lang si Cavite Rep. Lani Mercado sa tanong namin kung totoo ang naballitang break na ang anak niyang si Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria. Sabi ni Ms. Lani, paulit-ulit ang tsismis, pero tingnan na lang daw ang Twitter account ng anak at masasagot kung ano ang totoo sa tsismis.

May picture raw sina Jolo at Jodi na nag-sign ng heart gamit ang kanilang mga palad, bagay na madalas gawin nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Bukod doon, marami pang pictures nina Jolo at Jodi na magkasama, may picture na ipinagluluto ni Jodi si Jolo at may picture sila with their respective sons at ang caption ay  “Having dinner with family.”

Kris Bernal out na talaga Carl masaya na sa piling ni Chanel Morales

Pumapag-ibig si Carl Guevarra at malulungkot ang fans nila ni Kris Bernal na umaasang magkakabalikan pa ang dalawa dahil iba na ang love ng una. Out na sa puso niya ngayon si Kris dahil may Chanel Morales na siya.

Ang sweet ng dalawa sa mga picture nila sa IG at kahit hindi sinagot ang mga nagtatanong kay Carl kung GF niya si Chanel, alam na agad ang sagot dahil nga sa mga larawan. Tila mas expressive si Chanel kay Carl dahil “Pangga” ang tawag niya sa aktor at may heart emoticon ‘pag binabanggit ito.

Na-develop sina Carl at Chanel dahil madalas magtambal sa shows ng TV5 gaya ng Wattpad Presents at magkasama rin yata sila sa Happy Truck ng Bayan. Kaya lang, paano na ang bini-build up na love team nina Chanel at Akihiro Blanco?

Siguro naman with Chanel as his GF, hindi na magde-deny si Carl at aaminin ni Chanel ‘pag na-interview na may relasyon sila at hindi lang basta close friends gaya ng nangyari sa relasyon ng aktor kay Kris.

Fans nina Alden at Maine magkakawanggawa

Para patunayan sa tao na hindi lang sila basta fans at puro AlDub love team lang nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub ang inaasikaso, magkakaroon ang AlDub Nation ng Bayanihan. Isa itong blood donor na tinawag na “A Little Drop of Blood for Unity.”

Sa pakikipagtulungan sa Philippine National Red Cross, gagawin ito sa main office ng PNRC sa Boni Avenue, Mandaluyong City from 8 a.m. – 5 p.m. Ang tagline ng AlDub Nation sa first wave ng kanilang Bayanihan Campaign ay “We are not just a FAN, We are a NATION.”

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

CHANEL

CHANEL MORALES

JODI

JOLO

KRIS BERNAL

LITTLE MOMMY

NBSP

NORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with