^

PSN Showbiz

Kahit umayaw na si Kris John Lloyd Cruz malabo pa ring makapasok sa MMFF!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Masayang-masaya ang Final 14 ng Starstruck nung kamakalawa ng gabi dahil walang natanggal sa kanila.

Nasa bottom 2 sina Joemarie Nielsen at Princess Guevarra na close friends ng lahat. Kaya nung nag-commercial break bago tawagin ang matatanggal, nagpaalam ang ilang nasa safe na finalists kung puwedeng i-hug na raw nila ang dalawa dahil isa sa kanila ang matatanggal.

Nang in-announce ni Dingdong Dantes na non-elimination round ang araw na ‘yun, ang saya-saya nilang lahat.

Ngayong Linggo ay mapapasabak ang mga finalists sa matinding acting test kung saan bubugbugin, sasaktan, at sasampalin sila ni Jaclyn Jose.

PAK: Feeling ni Kris Bernal, walang masama sa pag-post niya ng picture na magkasama sila ni Alden Richards sa kanyang Instagram account nang magkasama silang pumunta ng CamSur kung saan nagkaroon sila ng show sa Del Gallego.

Pinutakti siya ng pamba-bash mula sa mga AlDub fans nina Alden at Maine Mendoza aka Yaya Dub dahil na-preempt daw nito ang ‘di pag-appear ng Pambansang Bae sa Eat Bulaga.

Nag-sorry na lang daw siya para matapos na. May mga ilang nag-sorry naman, pero hindi na raw niya pinapansin ang mga tumitira sa kanyang fans ng sikat na loveteam.

Ang ikinaloka lang niya, dahil daw sa post na iyun sa kanyang IG account, nadagdagan daw ng mahigit 15 thousand ang followers niya.

BOOM: Hindi pa masagot nina Dondon Monteverde at direk Erik Matti kung makakapasok na ang pelikula nilang Honor Thy Father ni John Lloyd Cruz sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kung ‘di na itutuloy ng Star Cinema ang entry nina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, itong pelikula ni John Lloyd ang papasok. Pero ang huling nabalitaan daw nila, si Kris lang naman ang nag-backout kaya hindi nila alam kung itutuloy pa rin ito at palitan na lang ang leading lady.

Si Kris naman ay apektado sa mga nangyayari, at sabi nito sa kanyang IG account na tumaas ang blood pressure niya sa mahabang biyahe sa Cabanatuan at stress sa tampuhan sa trabaho.

Bahagi ng mensahe niya sa kanyang IG account nung kamakalawa ng gabi, “Good night IG friends, napagod sa long land journey yesterday, na stress sa work tampuhan, so  resting to stabilize my BP.”

Hindi na rin muna nagsalita si Mayor Herbert tungkol sa pag-atras ni Kris sa kanilang pelikula. Pero may mga komento ang ilang taong malapit sa QC Mayor na wala naman daw silang magagawa kundi tuloy ang  buhay.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

DEL GALLEGO

DINGDONG DANTES

DONDON MONTEVERDE

EAT BULAGA

ERIK MATTI

HONOR THY FATHER

JACLYN JOSE

JOEMARIE NIELSEN

JOHN LLOYD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with