^

PSN Showbiz

Nagti-taping na rin para sa kanyang show, Chavit Singson kinumpirmang pinag-iinteresan ang GMA 7, Pacman kasama sa bilihan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

VIGAN, Philippines – Hindi itinanggi ni ex-Governor Chavit Singson na interesado siya sa GMA 7 with some o­ther investors kasama na ang boxing champion at ang tinuturing niyang anak na si Sarangani Cong. Manny Pacquiao. “Kailangan muna naming mag-usap ni Manny. Saka kailangan naming mangutang,” sagot ni Gov. Singson kahapon sa mga inimbitahang entertainment press sa kanyang malawak na pag-aaring Baluarte Mini Resort and Zoo. Pero siyempre tiyak nagbibiro siya nang sabi­hing mangungutang sila.

Kinumpirma rin niya ang nauna naming naisulat dito na kasalukuyan na siyang nagti-taping para sa kanyang public service show titled Happy Life kung saan sila nag-iikot sa iba’t ibang tourist spots sa bansa at naghahanap sa nasabing lugar ng mga tutulungan na right away, ibinibigay ang kailangan.

So far, naka-three episode na sila, pero kaila­ngan nila ng 12 episodes for one season.

Sino po ang co-host ninyo sa show? “Iba’t iba. Magagandang babae,” natatawang sagot ni Manong Chavit sa isang instant interview sa kanyang Baluarte Gallery kung saan nakaipon ang mga alaga niyang hayop na nahuli niya sa kanyang pagha-hunting sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Pero ang pinakamalaki sa lahat ay siyempre ay ang elepante na galing Zimbabwe. Grabe, nahirapan daw silang iuwi ito sa Pilipinas at inabot nang mahigit isang buwan bago nadala sa bansa sakay ng barko. Masyado raw kasing malaki ang nasabing elepante.

Going back to GMA 7, wala pa siyang ibinigay na definite date kung kailan eere ng Happy Life, pero definitely sa GMA 7 ito.

Anyway, bukod sa Baluarte Gallery na libreng napapasok ng mga bumibisita sa Vigan, walang entrance as in walang bayad ang pagpasok sa itinayo niyang Baluarte Zoo.

Ang daming makikitang hayop sa nasabing zoo. Meron pa silang animal show kung saan may participation pa ang mga nanonood. Meron silang mga exotic animals na dito mo lang puwedeng hawakan at magpa-picture. At siyempre kasama sa binabalik-balikan at talagang dinarayo ay ang mga tigre. Yup, puwedeng-puwede kayong pa-picture sa tiger na pag nasa mood ay nakatingin sa camera. Mukhang mabait pero siyempre nakaka-afraid baka any moment ay lapain ka. Pero marami namang mga nag-aalaga at nagsasaway pag naiimbyerna na ito.

Natanong din namin si Manong Chavit kung totoo bang nilayasan na ni Pacman si VP Binay at kakandidato na itong senador sa ilalim ng Liberal Party. “Hindi hindi siya lumipat. Alam ko independent,” pahayag ng dating gobernador ng Ilocos Sur na nagsabi ring wala na sa kanyang plano na balikan ang pulitika.

Ang anak niyang si Ryan Singson ang kasalukuyang governor ng Ilocos Sur.

Jodi at Sir Chief pinalitan sina Kris at Bistek sa MMFF

Hindi man natuloy last year ang MMFF (Metro Manila Film Festival) entry sana nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria na Please Be Careful With My Heart (The Movie) na base sa kanilang super hit teleserye, ito ay tuloy na ang pagsali nila this year dahil ayon sa isang source, sila na ang bibida sa pelikulang inayawan ni Kris Aquino. Yup, you read it right. Pero wala pang official announcement ang Star Cinema tungkol dito.

Kung sabagay, parang hindi naman toxic ang schedule ng dalawa. Si Richard ay hanggang this week na lang ang Nasaan Ka… at si Jodi naman ay Pangako Sa’Yo lang ang programa. So keri ng sked nila na mag-shoot.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BALUARTE GALLERY

BALUARTE MINI RESORT AND ZOO

BALUARTE ZOO

GOVERNOR CHAVIT SINGSON

HAPPY LIFE

ILOCOS SUR

MANONG CHAVIT

MGA

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with