^

PSN Showbiz

Vic kaswal na kaswal ang pamamanhikan sa mga magulang ni Pauleen, Yaya Dub at Pastillas Girl sabay nanood ng concert ng Lifehouse

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kapansin-pansin na medyo malamig sa isa’t isa sina Eugene Domingo at Jose Manalo sa Celebrity Bluff nung nakaraang Sabado.           

Hindi rin sila naglalaro ng JoGe loveteam nila kaya napapagdudahang may tampuhan silang dalawa.

Sabi naman ng ilang nakausap namin, okay na raw sila at abangan daw sila mamayang gabi sa Celebrity Bluff pagkatapos ng Magpakailanman dahil masaya na ang tuksuhan nila, pero hindi lang nila pinaglaruan ang kanilang tandem. Wala na nga bang JoGe loveteam?

PAK: Natawa kami sa kuwento ni Pauleen Luna sa CelebriTV na mapapanood mamaya, tungkol sa proposal at pamamanhikan ni Vic Sotto sa kanya.

Nung ibinigay daw ni Bossing Vic ang engagement ring, nasa banyo na may walk-in closet daw sila dahil inaayos ni Pauleen ang mga gamit ni Bo­ssing na kararating lang galing Hong Kong.

Ibinigay daw ni Bossing Vic ang bag na may naka-engrave na MPS, (Marie Pauleen Sotto).

Pagkatapos daw nun, pinapikit ang mga mata niya at pagdilat nito ay nasa harap na niya ang singsing.           

Sa sobrang excitement daw ni Pauleen, siya na ang nagsuot nito sa kanyang daliri. Pero pinigilan ito ni Bossing Vic, dahil siya dapat ang magsusuot kay Pauleen.

Kamakailan lang ay namanhikan na raw si Bossing sa parents ni Pauleen.

Maaring sa sobrang tensyon, pabiro raw na nagpaalam si Bossing Vic sa magulang ni Pauleen.

Sabi raw nito, “Hihingin ko po sana ang kamay ng anak ‘nyo. Sama n’yo na rin po ang ulo at katawan. Baka mamaya kamay lang ibigay n’yo.”

Nagtawanan na lang daw sila at napaka-casual lang daw ang kuwentuhan nila dahil sinusunod lang daw ni Bossing ang tradisyon ng mga nagpapakasal.

BOOM: Nagkasabay palang nanood ng concert ng Lifehouse sa SM MOA Arena sina Maine Mendoza at Pastillas Girl na si Angelica Yap.

Ayon sa mga sumubaybay, hindi raw nagkita roon ang dalawang sikat na YouTube sensation dahil magkahiwalay naman sila ng upuan.

Mangilan-ngilan lang ang nakapansin kay Maine dahil nagpaitim ito at nagsuot ng salamin para hindi siya kaagad makilala.

Bago natapos ng concert kaagad na nakaalis ang sikat na Yaya Dub, kaya si Pastillas Girl lang ang nakita ng mga tao nang maglabasan na sila sa MOA.

Pero bongga si Maine dahil nagpadala sa kanya ng mensahe si Bryce So­derberg ng Lifehouse na manood ng kanilang concert.

Aliw na aliw naman si Yaya Dub na nag-post sa kanyang Instagram account ng kuha niyang nakaitim at ang caption; “Sometimes it feels good to do something unusual and craaazy. Hahaha I had fun!!! #corazon”

Corazon ang hashtag niya na maaring hango sa karakter sa Marimar.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOSSING VIC

CELEBRITY BLUFF

DAW

LANG

NBSP

PASTILLAS GIRL

PAULEEN

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with