^

PSN Showbiz

Female personality na parang toro ‘pag nagalit, minalas sa napangasawa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang Throwback Thursday ‘yun na parang ayaw nang matapos ng isang grupo. Mas masarap kasing alalahanin ang nakaraan kesa sa mga pagkaing nakahain sa kanilang harapan.

Sa takbo ng kuwentuhan ay isang male singer lang ang bumibida, pero tatlong babaeng personalidad ang sangkot, dalawang babae ang direktang magkalaban at miron lang ang isa.

Nabuking kasi ng misis ng male singer na may kakaibang relasyon ang kanyang mister at ang isang magaling na female singer. Kapag nag-uusap sila ay lumalayo ang lalaki sa kanyang wife na hindi naman nito ginagawa kahit kailan.

Nagre-recording nu’n ang female singer nang biglang dumating ang wife ng male singer at ang kapatid nito. Hinamon siya ng away ng misis ng singer, hindi lumabas sa recording room ang magaling na singer, kaya umeksena ang sister ng girl at nagbanta na kapag hindi pa siya lumabas ay kakaladkarin siya nito sa labas.

Puro mura ang kinain sa pananghalian ng magaling na singer, halos magkasabayang tumatalak ang magkapatid, talagang gusto na siyang upakan. Salamat na lang at dumating ang isang miyembro ng sikat na grupo, inawat nito ang magkapatid, saka pinabalik sa recording room ang biriterang singer.

Maligaya na ngayon ang magaling na female singer sa piling ng isa pang magaling na male singer, ang female personality namang nanugod sa kanya ay windang ang personal na buhay ngayon, dahil playboy pa rin hanggang ngayon ang mister nito.

Kuwento ng aming source, “Grabeng magalit ang babaeng ‘yun, giyerera talaga siya, idagdag mo pa ang kapatid niyang palaging kontrabida ang role, para silang mga torong nakawala sa kuwadra!”

Ubos!

Lola Nidora at Yaya Dub pinalitan ng iyakan ang pag-absent ni Alden

Ang galing-galing magbalangkas ng istorya ng mga segment writers ng Eat Bulaga. Nasusulsihan nila ang punit, nagagawan ng bagong direksiyon ang kuwento kung kinakailangan, matagumpay nilang nairaraos ang kalyeserye sa kabila ng kawalan ni Alden Richards.

Ilang araw nang wala sa noontime show ang Pambansang Bae, kailangan nitong tuparin ang mga naunang kompromisong tinanggap ng GMA Artist Center para sa kanya, natural lang na malungkot ang mga tagahanga nila ni Maine Mendoza nang dahil du’n.

Pero kahit wala si Alden ay hindi kumalog ang kalyeserye, nagkaroon ‘yun ng bagong twist, ang magaling na pagdadrama ng mahusay na komedyanteng si Wally Bayola ang bumangka sa sitwasyon sa tulong ng magagaling ding sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

Maraming pinaluha sina Wally at Yaya Dub nu’ng isang tanghali, ipinabasa ni Lola Nidora kay Maine ang sulat ng kanyang inang si Isadora, sobrang lungkot ang umatake kay Lola Nidora dahil kukunin na raw si Yaya Dub ng ina nito.

Nahagip nang eksakto ng mga camera ang pagtulo ng luha ni Wally, iyak nang iyak ang mga kasama naming nanonood, lalo na nang humagulgol na si Yaya Dub sa balikat ng kanyang lola.

Ang ganda-ganda ng eksenang ‘yun. Ramdam na ramdam ang pagmamahalan ng maglola. Sabi nga ng isang kaibigan namin, “Iyak ako nang iyak sa eksenang ‘yun dahil naka-relate ako. Pinalaki rin ako ng lola ko, ako ang isa sa mga makapagpapatotoo na hindi ang nagluwal kundi ang nag-alaga ang mas may weight.

“Nu’ng mawala ang lola ko, pilay na pilay ako. Nand’yan pa ang mommy ko ngayon, pero si lola pa rin ang hinahanap ko. Habang humahagulgol si Yaya Dub, iyak ako nang iyak.

“It’s just a show, but in real life, it’s very true. Pinagdaanan ko ‘yun, kaya iyak ako nang iyak nu’ng nagdadrama sina Wally at Yaya Dub,” pagtatapos ng aming kaibigan.

Maligayang bati sa mga writers ng kalyeserye, kumpleto pa rin ang kuwento kahit merong kulang na tauhan sa kanilang segment, mabuhay kayo!

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

LEFT

LOLA NIDORA

MGA

NANG

QUOT

SINGER

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with