^

PSN Showbiz

Vic at Pauleen hands on sa kanilang kasal sa January, wedding entourage buo na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Si Pauleen Luna ang guest namin ngayong hapon sa CelebriTV at siyempre, ang coming soon na altar date nila ni Vic Sotto ang topic.

Sinabi na ni Pauleen sa akin na ikakasal sila ni Bo­ssing sa January 2016 pero hindi pa rin niya sinabi ang exact date dahil baka afraid siya na itsismis ko agad.

Napilit ko si Pauleen na sabihin sa akin ang names ng principal at secondary sponsors pero nag-promise ako na hindi ko ikukuwento lahat para hindi ma-preempt ang kanilang mga plano.

‘Hindi ako ninang’

Isang bagay ang sure, hindi ako ninang sa kasal dahil ayaw yata ni Bossing na hindi nagkakalayo ang edad nila ng mga principal sponsor kaya nag-react ako nang malaman ko na isa sa mga ninong si Joey de Leon na kasing-tanda ko at kaklase ko noong elementary.

Simbahan na pagkakasalan, favorite ni Vic

Confirmed na 7 p.m. ang oras ng kasal nina Pauleen at Bossing Vic sa favo­rite church ng would be groom.

Biniro ko si Pauleen na sinadya nila na gawin na gabi ang kasal para hindi ako makadalo. Kung 7 p.m. ang kasal, siguradong matatapos ito ng past midnight dahil may wedding reception. Hindi ko pinangarap na mapuyat at magbiyahe nang gabi mula Alabang hanggang Quezon City.

Nang marinig ko mula kay Pauleen na gabi ang oras ng kasal, nag-decide na ako na huwag nang dumalo, kahit pinipilit niya ako dahil hindi na nga ako nagpunta noon sa kanyang debut party.

Ninang ako sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong December 2014 pero hanggang sa simbahan lang ako dahil hindi na ako umapir sa wedding reception sa Mall of Asia Arena.

Tamad na tamad na talaga ako na mag-attend ng mga panggabi na gathe­rings. Kung ang sarili ko nga na kasal na 6 p.m. ang schedule, muntik ko nang hindi puntahan, ang kasal pa kaya ng iba?

Gown ni Pauleen si Francis Libiran ang tatahi

At dahil sa January 2016 pa ang kasal nina Bossing at Pauleen, may time pa para magpapayat nang husto ang bride para magandang-maganda siya sa wedding gown na ipinapagawa niya kay Francis Libiran.

Kumpleto na rin ang listahan ng invited guests nina Pauleen at Bossing na parehong hands on sa malaking event na magaganap sa buhay nila.

Personal na inaasikaso ni Pauleen ang lahat, pati na ang mga pinakamaliliit na detalye. Hindi lang ako sure kung magkakaroon ng television coverage ang wedding of the year pero sa status ni Bossing sa entertainment industry, dapat lang na  magkaroon ng wedding special para sa kapakanan ng fans na gustong maging bahagi ng isang importanteng pangyayari sa buhay ng kanilang idolo.

Kung magkakaroon ng TV special ang Sotto-Luna wedding, siguradong mapapanood ito sa GMA 7 bilang parehong mga Kapuso ang mga ikakasal.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ALIGN

ANG

FRANCIS LIBIRAN

HINDI

KASAL

LEFT

PAULEEN

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with