^

PSN Showbiz

Dahil nagkalaman ang mukha, Jessy pinaghihinalaang buntis

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Buntis nga ba si Jessy Mendiola? Ayon kay Jessy hindi niya alam na buntis siya nang magkaroon sila ng launching ni Xian Lim bilang brand ambassador ng HOOQ, ang Asia’s first video-on-demand service kung saan may pagkakataon na ang mga Pinoy na magkaroon ng access sa movie library ng 10,000 international and local movies and TV shows.

Wala rin siyang direktang sagot tungkol sa real set up nila ni JM de Guzman matapos ang maingay na isyung nag-split na sila.

Actually, parang willing naman siyang magsalita pero hindi siya pinayagan ng kanyang handler sa Star Magic nang manghingi siya ng permiso.

Sayang, sana na-klaro na ng actress kung ano ba talaga ang nagyari sa kanila ni JM. At kung napatawad na ba niya si Enrique Gil  matapos ang gulo sa eroplano nang magbiyahe sila sa London for ASAP kamakailan lang.

Ang sinabi lang niya ay wala sa lovelife ang focus niya kundi sa career muna.

Marami lang nakapansin kay Jessy na medyo nagkalaman ang mukha kaya pinagdududa­han tu­loy ng iba na preggy nga siya. Pero tamang duda lang naman.

Sabagay, may lalabas siyang teleserye sa ABS-CBN. Baka sa presscon ng nasabing serye ay pumiyok na siya.

Xian walang malay sa nilulutong pelikula para kina Piolo at Kim

Sinabi ni Xian Lim na wala siyang idea na may nilulutong pelikula para kina Piolo Pascual at loveteam niya on and off cam na si Kim Chiu. Si Piolo kasi ang unang nagkuwento na may possible pro­ject sila ni Kim matapos ang instant chemistry nila sa pelikulang Etiquette for Mistresses kung saan nagkaroon ng short appearance si Papa P.

Ayon kay Xian, hindi niya alam ‘yun at hindi pa nila napag-uusapan ni Kim.

Brand ambassador din si Xian ng HOOQ.

Anyway, currently, HOOQ offers over 30,000 hours of content, including thousands of Hollywood films, and the widest selection of Filipino-produced content, with movies and series from ABS-CBN, GMA 7, Star Cinema, Regal Entertainment and Viva Communications

“Today, with the mobile lifestyle of Filipino people, most would like to watch movies on their tablets and smartphones when and where they want,” says HOOQ Country Manager Jane Cruz-Walker. “Filipinos are content-savvy, and enjoy a wide range of entertainment. With HOOQ, everything is in one platform, so whether you to watch blockbuster Hollywood TV series like Arrow and the Flash, telenovelas from ABS-CBN or GMA, and even great movie classics, you can watch them all on HOOQ.”

Nabuko ni Kris, Trophy ni Luis naka-display sa bahay ni Jennylyn

Nabuko ni Kris Aquino na naka-display sa bagong bahay ni Jennylyn Mercado ang isa sa mga trophy ni Luis Manzano nang bisitahin ito ng Kris TV na ipinalabas kahapon para sa promo ng aktres ng pelikulang PreNup with Sam Milby under Regal Films.

Ang nasabing trophy ay para sa Best Emcee (Male) awards sa 2013 Aliw Awards ni Luis. Hindi pala nun nakarating si Luis kaya si Jennylyn na ang tumanggap. Sila pa noon. That same year, din sila nag-split.

“Nailagay ko lang diyan kasi nakalimutan kong ibigay sa kanya,” pag-amin ni Jennylyn

“Kasi ganito yan inabot ko yung kay Ryzza Mae ‘yung isa, kasi ako lang ‘yung nakarating sa event na yan. Inabot sa akin tapos nakalimutan kong ibigay sa kanya hanggang sa wala. Tapos nakita ko na lang dinisplay ng mama ko diyan. Sabi ko ‘Mama, hindi sa akin ‘yan.’”

Nag-volunteer naman si Kris na siya na ang magbabalik ng trophy kay Luis.

Wow at least everyday pala ay naalala ni Jennylyn si Luis dahil naka-display ang nasabing trophy.

Ano kayang masasabi ni Dennis Trillo dito?

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ALIW AWARDS

ANG

JENNYLYN

LEFT

LUIS

QUOT

STRONG

XIAN

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with