^

PSN Showbiz

Sam great love pa rin si Anne

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Si Boy Abunda marahil ang nag-iisang showbiz TV host na hindi matanggihang hindi sagutin ng mga ini-interview niya ang mga tanong kahit pa napakapersonal ng mga ito.

Ayaw man nilang sumagot, wala silang choice kundi igalang ang posis­yon at hayaang makuha ang impormasyon na gusto nitong makuha sa kanila.  

Out of respect na lang siguro kaya nagagawa ni Boy na magsalita at paaminin ang mga kausap niya.

Nung Miyerkules ng gabi, sa prog­rama niyang Tonight With Boy Abunda (TWBA), nagawa niyang paaminin ang napakapribadong si Sam Milby kung ilan ang nakaseryosohan nitong karelasyon na kapareho niyang artista.

Pero, hindi na siya pinilit pa ng TV host na pangalanan ang mga ito dahil hindi naman kaila sa publiko ang lovelife ng aktor na taga-Ohio, USA na nag-spend ng mahabang panahon ng kanyang  buhay sa nasabing lugar pero, pinili pa rin ang Pilipinas nang papiliin siya ni Boy kung alin sa Ohio at Pilipinas ang mas gusto niya.

Matagal nang may ugong na bukod sa pagiging magkapareha nila ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado ay nanliligaw na siya dito. Umamin si Sam na walang ligawang nagaganap sa kanila ngayon pero, hindi nito itinanggi ang posibilidad na magbago ito in the future.

“She’s an ideal woman”, aniya.

Hindi sila nagkaroon ng ugnayan ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion na inamin niyang sobrang crush niya. 

“I don’t know why I did not pursue her. We just hang out and became good friends,” ang naging paliwanag niya.

But when Boy asked him kung sinu-sino sa mga nakarelasyon niya ang itintuturing niyang love, he mentioned the name of Toni Gonzaga as his first love at si Anne Curtis as his great love. Kung sino sa dalawa ang nang-iwan sa kanya at iniwan niya ay  hindi na inalam ni Boy. Pumasok din ang pangalan ni Jessy Men­diola na sinabi ni Sam ay tulad din ni Jennylyn ay isa ring ideal woman para sa kanya. Sampung taon nang artista si Sam. Magsisilbing selebrasyon ng napakamatagumpay na karera na ma­ituturing niya ang pagpapalabas ng pelikula na ginawa nila ni Jennylyn  para sa Regal na pinamagatang The PreNup.  

May isa pa siyang malaking event na magaganap sa buwang ito, ang concert niya sa Kia Theater, dating New Frontier,  sa Araneta Center, Cubao. Ang fans niya at followers ay umaasang makaka­sama nila sa panonood ng pelikula’t concert ni Sam  ang mga espesyal na babae sa  buhay niya na lahat ay naging kaibigan niya.

Xian dapat kabahan Piolo-Kim loveteam, mukhang effective

Dapat siguro ay mangamba si Xian Lim na baka maging epektibo ang unang pagpapareha ng ka-lovetream niyang si Kim Chiu at Piolo Pascual. Maikli man ang pagsasama ng dalawa sa Etiquette For Mistresses, agad namang nakita ang chemistry na meron sila.

Kaya ngayon pa lamang ay pinagpaplanuhan na ang proyekto na maari nilang pagsamahang dalawa.

Welcome kay Piolo ang makipagtrabaho sa sino mang Kapamilya artist. Maski nga si KC Concepcion, ang nakahiwalayan niya pero, nakabatian din lately ay welcome sa kanya na makatrabahong muli. Naging isang malaking isyu ang pagbabatian nila at ang pag-amin ng ina nito na si Sharon Cuneta na pinagsisisihan nito ang mga hindi magagandang salita  niya tungkol kay Piolo nang makahiwalayan nito ang kanyang anak. Hindi na ito pinalaki pa ni Piolo at sinabi na lamang na masaya siya sa mga sinabi nito.

Samantala, pangungunahan ni Piolo ang SunPIOLOgy Run 2015 na itataguyod ng ini-endorso niyang Sun Life Financial para labanan ang sakit na diabetes sa Nob. 28, McKinley West, Fort Bonifacio. Makakasama niyang tumakbo ang mga kaibigan niyang Kapamilya tulad nina JC de Vera, Enchong Dee, Matteo Guidicelli, Joem Bascon, Diego Loy­zaga at Rayver Cruz. Ang kikitain ng fun run ay mapupunta sa Hebreo Foundation ni Piolo at Diabetes Foundation Inc.

Mga kabataan atat sa 2016 elections

Ang daming pagpaplano ang ginagawa ng mara­ming pulitiko para manalo sa darating na eleksyon sa 2016.

Pinakamainit na pinag-uusapan ang mga pareha na gustong tumakbo para sa dalawang pinakamataas na posisyon ng bansa, ang pagkapangulo at ikalawang pangulo. Hirap na makakita ng makaka-tandem ang bet ng adminstras­yon na si Sec. Mar Roxas. Naunahan pa siya nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero na magdeklara ng kanilang pagtakbo.

Kung hindi pa nahikayat si Cong. Leni Robredo ay baka wala pang makakasamang tumakbo ang dating DILG secretary. Si VP Jejomar Binay ay hinihintay pa ang pag-aanunsyo ng kanyang bise presidente.

Ang masaya, dalawang babaeng baguhan sa pulitika ang magiging mahigpit na magkalaban, sina Sen. Grace Poe sa pagka-presidente at Cong. Leni Rob­redo sa pagkabise. Magkaibigan ang dalawa at suportado ng huli ang una. Tila mas maraming kabataan naman ang gustong bumoto sa 2016.

Tinatamad na ang mga may edad. At kung mga bata ang boboto, tiyak mga baguhan at hindi mga trapo ang iboboto nila. Kaya, ngayon pa lamang ay simulan n’yo na silang kampanyahan. Ito naman ay kung mapapagbago n’yo pa ang kanilang mga gustong iboto.

 

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

HINDI

LEFT

MGA

NBSP

NIYA

PIOLO

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with