^

PSN Showbiz

Hindi na kailangan ng block screening Felix Manalo giniba lahat ng box office record

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Giniba ng Felix Manalo ang lahat ng mga box office record noong Miyerkules dahil pinilahan ang pelikula ng Viva Films.

Hindi na kailangan ng Felix Manalo na magkaroon ng mga block screening. Sa totoo lang, marami ang nag-request ng block screening pero magalang na tinanggihan ng Viva Films at hindi nagkamali ng desisyon ang mga bossing dahil punumpuno talaga ng moviegoers ang mga sinehan na pinagtatanghalan ng Felix Manalo.

Malumanay at mahaba ang pasensya Sen. Grace pinapairal ang pagiging pre-school teacher sa mga naninira

Kalmado pa rin si Senator Grace Poe, kahit binabanatan siya ng kanyang mga kritiko sa pulitika at ng pinsan na si Sheryl Cruz.

Malumanay na sinasagot ni Mama Grace ang lahat ng mga isyu at kontrobersya.

Imbes na mag-emote dahil sa pralala ni Sheryl na hilaw pa siya para maging pangulo ng bansa, pinasalamatan pa at inunawa ni Mama Grace ang pinsan dahil sa malasakit nito sa kanya. Ewan ko na lang kung hindi nakonsensya si Sheryl.

Sa mga nagtatanong kung bakit malumanay si Mama Grace sa gitna ng mga batikos sa kanya, isa lang ang sagot, malaking tulong ang pagiging pre-school teacher niya noon.         

May mga nagtanong po sa akin, bakit minsan kahit na masyado nang stressful o kaya may mga hearing sa Senado ay malumanay pa rin ako? Sabi ko, dahil dati ako po ay nagtuturo ng mga bata. At kahit papaano ang mga teachers ay kailangan mahaba ang pasensya,” ang sey ni Mama Grace nang dumalo siya sa World Teacher’s Day Celebration sa Naga City noong Martes, October 6.

Pinasalamatan ni Grace sa nasabing event ang mga kapwa  guro sa kung anuman ang narating niya sa buhay.

 “Hanggang ngayon, taos-puso pa rin ang aking pasasalamat sa inyong lahat sapagkat hindi po natin mararating ang mga narating natin kung hindi dahil sa tulong ng mga guro.”

So, alam na ngayon ng detractors ni Mama Grace na kahit anong batikos ang kanilang gawin, hindi siya matitinag dahil pinaiiral niya ang pagiging pre-school teacher.

Parang mga bata na inuunawa ni Mama Grace ang kanyang mga kritiko dahil walang mangyayari kung papatulan niya ang mga batikos na walang basehan. Ikatuwa kaya ng detractors ni Mama Grace ang parang bata na trato sa kanila?

Wally walang kahirap-hirap magpatulo ng luha

Ilang araw nang hindi napapanood si Alden Richards sa Eat Bulaga dahil sa shooting niya para sa pelikula nina Vic Sotto at AiAi delas Alas na official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival at sa kanyang mga out of town show.

No-show uli kahapon si Alden sa Eat Bulaga dahil nagpunta siya sa Zamboanga para sa isang show na matagal nang commitment.

Literal na wala nang pahinga si Alden dahil sa kaliwa’t kanan na trabaho kaya luxury sa kanya ang matulog. Mabuti nang busy si Alden kesa naman natutulog ang career niya ‘di ba?

Mabuti na lang, magagaling talaga sina Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Jose Manalo kaya napapatawa nila si Maine Mendoza.

Ibang klase talaga si Wally dahil kayang-kaya niya na papatakin ang kanyang luha, kahit nadi-distract siya nina Paolo at Jose. Malaki talaga ang tsansa ni Wally na magkaroon ng acting award sa susunod na taon pero mauuna na ang parangal na ibibigay sa kanya ng isang grupo sa darating na Linggo.

vuukle comment

ALIGN

ANG

DAHIL

FELIX MANALO

GRACE

LEFT

MAMA GRACE

MGA

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with