^

PSN Showbiz

Gay TV personality hindi malimutan ang trip ni indie actor na may kasalo! Kris ‘nakikisakay’ kay Alden

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi raw ma-explain ni Mark Herras kung gaano siya ka-excited sa sisimulan niyang drama series sa GMA 7 na Little Mommy.

Dito makakasama niya for the first time si Nora Aunor, at aminado siya nung nagkakilala raw sila sa story conference ay na-star struck siya.

“Feeling ko sa set marami siyang mabibigay na tips sa amin,” pakli ni Mark.

Bukod kay Nora, kasama rin daw nila si Eddie Garcia, Bembol Rocco, Gladys Reyes at muling magsasama sila ni Kris Bernal.

“Grabe talaga ang casting nitong Little Mommy. So, ako I’m very happy na nabigyan ako ng opportunity na makasama ang mga icons natin sa industriya na mga respetado talaga ‘di ba?

“May pressure kasi magagaling talaga silang umarte. Kaya kailangan galingan ko talaga. Talagang ayusin ko for this project,” saad pa ng 1st Starstruck Ultimate Survivor.

PAK: Muling nanariwa sa isang bading na TV personality ang masayang nakaraan nila ng kilalang indie actor nung kabataan nila.

Kuwento ni bading na TV personality, classmates daw sila ni indie actor nung college at nagkaroon sila ng relasyon.

Masaya naman daw silang dalawa, pero naloka lang siya minsan nang magtalik sila, nag-suggest daw itong si indie actor kung type nitong mag-invite sila ng isang kasama, at “tatlo magkasalo” ang drama nila.

Mas beki pa itong si TV perso­nality kesa kay indie actor, pero parang hindi raw niya masikmura ang ganung drama kaya tumanggi ito.

Kapag nakikita niya sa TV o sa pelikula itong si indie actor, bumabalik sa alaala niya ang ganung moment.

BOOM: Thankful si Alden Richards kay Kris Aquino na hayagang sinabing pinapanood niya ang AlDub sa Eat Bulaga.

Pinupuri pa ni Kris ang Pambansang Bae na napakabait daw kaya masaya siya sa tagum­pay na tinatamasa ng aktor.

Sabi ni Alden, nagkasama lang daw sila noon sa promo ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Tuwing nagkikita sila sa ilang events ng MMFF hindi nakakalimutan ni Alden na magbigay pugay sa Queen of All Media kaya nababaitan si Kris sa kanya.

Komento naman ng ilang taong malapit kay Alden; “sakay-sakay din minsan.”

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BEMBOL ROCCO

EAT BULAGA

EDDIE GARCIA

GLADYS REYES

KRIS AQUINO

KRIS BERNAL

LITTLE MOMMY

SILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with