^

PSN Showbiz

Gerald maraming napag-isip-isip nang ma-dengue!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Halos sunuran lamang nang magkaroon ng injury sa balikat at dengue si Gerald Anderson. Ngayon ay maayos na ang kondis­yon ng aktor mula sa pagkakaroon ng dengue pero may nararamdaman pa rin siya sa kanyang balikat. “Unti-unti, may mga ibang movements na medyo masakit pa kaya ‘yung mga stances ko, ‘yung mga sayaw medyo limited eh. Siyempre para sa mga Kapamilya you want to give a great show and do your best,” bungad ni Gerald.

Madalas na ring nakakasama ng binata ang mga dating kasintahan na sina Kim Chiu at Maja Salvador sa mga dance number niya sa ASAP 20 pero wala naman daw nangyayaring ila­ngan sa kanila. “Isa lang naman ang goal naming lahat eh. It’s to bring entertainment and ma-inspire ko ‘yung mga tao. So hindi na lang namin iniisip ‘yung mga gano’n. Our goal is to make the people happy,” nakangiting paliwanag ni Gerald.

Samantala, marami raw napag-isip-isip ang binata noong na-confine siya sa ospital kamakailan dahil sa dengue. “Marami din mga good things that came out of it. Kasi I had time to think, recuperate sa hospital. ‘Pag may sakit ka, doon mo talaga hahanapin ‘yung nanay mo at saka  ‘yung mga kapamilya mo talaga. Sobra, wala akong ibang sinasabi kundi ‘mama’. Wala naman siya doon, nasa Gen San (General Santos) kasi pero wala akong ibang sinasabi kundi ‘mama,’” kwento ni Gerald.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagka-dengue ang aktor at umaasa siyang hindi na siya muling magkaroon nito. “Napapanood ko sa TV Patrol, ang daming nade-dengue lately so kailangan mag-ingat lahat ng tao,” pagtatapos niya.

Liza gusto namang maka-experience ng iba

Patok na patok sa mga tagahanga ang tambalan nina Enrique Gil at Liza Soberano. Sa ngayon ay hindi pa raw nakahanda si Liza na makapareha ang ibang aktor pero tanggap na niyang posible itong mangyari balang araw. “Siyempre as an actor, you have to be open to those kinds of things. Hindi pwedeng stick to one lang that’s why you’re an actor. You’re supposed to be versatile when it comes to emotions, to experiencing different things,” nakangiting pahayag ni Liza.

“Ayaw ko naman na ang tingin ng tao, iisa lang ang kaya kong gawin. Siyempre if the management gives me another project na bagong partner, bagong genre, why not? Gusto ko ‘yun. Gusto ko naman magkasama pa rin kami (ni Enrique) sa show or sa movie. Pero siyempre whatever the management gives, if maganda naman ‘yung story, ‘yung project, siyempre tatanggapin mo rin naman po,” giit ng dalaga.

Malapit nang matapos ang shooting ng pelikulang Every Day I Love You na pinagbibidahan nina Liza, Enrique Gil, at Gerald Anderson.   

vuukle comment

ACIRC

ANG

ENRIQUE GIL

EVERY DAY I LOVE YOU

GEN SAN

GENERAL SANTOS

GERALD ANDERSON

KASI I

MGA

SIYEMPRE

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with