^

PSN Showbiz

Paulo walang pagsisisi kahit naging pamasak

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sanay na ang actor na si Paulo Avelino sa pagiging second but final choice sa isang proyekto pero hindi ito isyu sa kanya. Ang mahalaga ay sa kanya napupunta ang magagandang roles tulad na lamang ng nagtapos na Bridges of Love na pinagsamahan nila nina Jericho Rosales at Maja Salvador at itong hit historic epic movie na Heneral Luna na hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinipilahan sa maraming sinehan.

Papel ni Gregorio del Pilar ang gi­nam­panan ni Paulo na magiging solo movie niya after Heneral Luna.

Sising-sisi umano ang actor na unang inalok sa papel ni Gregorio del Pilar para sa Heneral Luna project dahil ti­nang­gihan nito ang role dahil wala umanong major stars sa nasa­bing pelikula.

Hindi mga bida ng pelikula MMFF magiging labanan ng mga sahog na loveteams

Labanan ng maiinit na loveteams ang darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil kasama ang mga ito sa magkakahiwalay na pelikula na magsasalpukan sa Disyembre 25.

Unang pumutok ang balita na kasama ang AlDub love­team nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza sa pelikulang My Bebe Luv (#KiligPaMore) nina Vic Sotto at AiAi delas Alas. Sumunod naman dito ang pelikulang Beauty and the Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin na kasama na sa cast sina James Reid at Nadine Lustre. At hindi rin nagpahuli ang movie na pinagtatambalan nina Kris Aquino at Mayor Herbert  Bautista na All You Need is Pag-ibig dahil kasama nila sina Kim Chiu at Xian Lim.

Hindi rin kami magtataka kung mag-aanunsyo rin ang isa pang MMFF movie entry na kasama naman nila ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na sa ngayon ay wala pang takers.

Kapag nanguna sa takilya ang isa sa mga entries ng MMFF, kanino kaya ibibigay ang kredito ng tagumpay ng pelikula? Sa main stars ng mo­vie o sa loveteam na kasama nila sa pelikula?

Ano sa palagay mo, Salve A.?

Albert nanghihinayang siguro na hindi nakasama sa Felix Manalo

Huhusgahan na ngayong Miyerkules, October 7 ang pinakamalaking pelikula sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino, ang Felix Manalo na pinagbibidahan ni Dennis Trillo together with more than 100 stars na kasama sa pelikulang idinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan under Viva Films.

Ang pelikula ay nagkaroon ng successful premiere (another first) sa 55,000-seater na Philippine Arena kahapon na matatagpuan sa Bocaue, Bulacan at dinaluhan hindi lamang ng cast at mga kilalang personalidad sa showbiz kundi maging ng mga pinuno at mga miyembro ng Iglesia ni Cristo.

Ito ay pelikula tungkol sa buhay ng kauna-unahang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo.

Sa sobrang laki ng venue ng premiere, nag-set-up ng 22 meters by 40 meters screen para lamang mapanood ng klaro ng libu-libong dumalo sa nasabing palabas. Ito rin bale ang pinakamalaking premiere night na naganap hindi lamang sa buong Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Sayang at hindi natuloy si Albert Martinez sa nasabing proyekto.

vuukle comment

ACIRC

ALBERT MARTINEZ

ALDEN RICHARDS

ALL YOU NEED

ANG

BEAUTY AND THE BESTIE

BRIDGES OF LOVE

FELIX MANALO

HENERAL LUNA

HINDI

PELIKULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with