^

PSN Showbiz

Nasa mamahaling restaurant naiispatan Sheryl madalas may ka-meeting na pulitiko?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nag-trending ang CelebriTV nung kamakalawa ng hapon dahil sa nakakaaliw na special guests nina Tito Joey de Leon, Manay Lolit Solis, at AiAi delas Alas.

Masaya ang tsikahan nina AiAi at Regine Velasquez-Alcasid na nag-promote na rin ng Regine at The Theater concert niya sa Solaire Resort and Casino sa November.

Riot ang tatlong komedyanteng sina Ate Gay, Osang, at Boobay na nagpasiklab kay Tito Joey. Pero inabangan at kinakiligan ang fan sign interview ni Kuya Ricky Lo kay Maine Mendoza na halatang malapit na siyang ma-develop kay Alden Richards.

Sabi naman niya, hindi pa raw niya masasabi pero posible naman daw na sagutin niya ang Pambansang Bae kung sakaling seryosong manligaw ito sa kanya.

PAK: Eklay lang nga ba ang sagot ni Rich Asuncion kay DJ Mo Twister nang mag-guest ito sa podcast show niyang Good Times with DJ Mo? May nag-react kasi at kumontra tungkol sa pinag-usapan nilang laki ng kargada ni Aljur Abrenica.

Sabi naman ni Rich wala raw siyang kinumpirma kung dyuts o daks si Aljur Abrenica. Ang sagot lang naman daw niya ay “I’m a big woman, I need a big one.”

Habang pinag-uusapan namin ni Rich iyon, ngingiti-ngiti lang ang boyfriend niyang si Ben Mudie na nagpa-interview din pala kay DJ Mo pagkatapos isinalang si Rich.

BOOM: Pasabog ang statement ni Sheryl Cruz sa isang interview na may nanliligaw daw sa kanya na may royal blood.

Napabalita kasing prinsipe raw ng Brunei ang nanliligaw sa kanya, pero sabi naman ng aktres, ang pagkakaalam daw niya ay kamag-anak ito ng royal family kaya may royal blood na rin. Iniimbitahan daw siyang bumalik doon sa Brunei.

Kaya naisip tuloy namin kung ito ba ‘yung mga taong nakaka-miting niya nang madalas sa isang bonggang restaurant sa Quezon City?

Hindi kasi kilala ng aming source ang madalas na kamiting ni Sheryl na mga mukhang pulitiko raw.

Itong mga kamiting kaya ni Sheryl ang mga taong nasa likod ng pagsasalita niya laban sa pinsan niyang si Sen. Grace Poe?           

Duda lang naman namin ‘yun dahil marami ang nagsasabing may malaking taong nasa likod nito kaya siya nagsalita laban sa presidential bid ni Sen. Poe.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

ANG

ATE GAY

BEN MUDIE

BRUNEI

GOOD TIMES

GRACE POE

NBSP

NIYA

TITO JOEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with