^

PSN Showbiz

Lumilikom para sa UNICEF Anne may fun run para sa mga bata

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Bukod sa isang pelikula ay pinaghahandaan na raw ngayon ni Anne Curtis bilang advocate ng UNICEF ang Heroes for Children Run na gaganapin sa October 25. “Ito busy, I’ve been organizing my first ever fundraiser as a celebrity advocate for children. So as my first project, inayos ko ‘tong Heroes for Children Run bilang tumatakbo naman talaga ako. So naisip ko, how else can I raise funds for UNICEF? So naisip ko, why don’t I just throw a fun run,” nakangiting pagbabahagi ni Anne.

“Super busy, ako talaga ang tumatawag sa sponsors. Lahat, ako talaga nag-asikaso, tuloy na tuloy na siya,” dagdag ng aktres. Makakasama raw ni Anne sa isang malaking pelikulang gagawin sina Maja Salvador at Paulo Avelino. “Meron kaming gagawin with Direk Ruel Bayani, so talagang kaabang-abang siya. Ito na ‘yung reunion naming dalawa (pagkatapos ng No Other Woman). I think it’s very sure na ang makakasama ko si Paulo Avelino saka si Maja. Direk Ruel ‘yan! Ngayon pa lang excited na ako,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Bianca posibleng iwan na ang hosting pagkatapos manganak

Pansamantalang iniwan na muna ni Bianca Gonzalez ang kanyang mga trabaho sa telebisyon dahil posible na siyang manganak ngayong linggo. Ika-37 week na ng kanyang pagbubuntis ngayon. “Full term is 40 weeks pero they say ‘pag 38th or 37th week pwede na. It’s not a maselan pregnancy at all. So I’m super lucky, sobra,” nakangiting pahayag ni Bianca.

Ang asawang si JC Intal daw ang nakaisip kung ano ang ipapangalan sa kanilang panganay na anak. “Noong nalaman namin na girl, we had few names in mind. It’s all the traditional names talaga that we were looking at and one day, JC came home and said, ‘How about Lucia?’ I’ve always liked that name. Lucia kasi means light so parang things happened in our life na she really served as the light in a dark time, parang pwede talaga ‘yung Lucia kasi light siya,” kwento ng TV host.

Kinailangan pa raw dumalo ng mag-asawa ng birthing class upang maging maayos ang panganganak ni Bianca. “Kasi I really want to give birth normally. Ayokong mataranta kaming dalawa kasi first time namin. So it’s good kasi na-explain ‘yung contractions, how do you know if it’s real or ano ba ‘yung stages. For me it’s not just me pregnant, it’s the two of us eh. Kasi I take care of my tiyan and my husband takes care of me. So parang it’s really an effort for the both of us,” paliwanag ni Bianca.

Hindi pa raw alam ng TV host kung tuluyan nang iiwan ang TV hosting pagkatapos niyang manganak. “I actually don’t know, pero knowing me baka after a month I’d want to go back to work na. I’ll still find a way to work from home when the baby is sleeping,” pagtatapos niya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANNE CURTIS

BIANCA

BIANCA GONZALEZ

CHILDREN RUN

DIREK RUEL

DIREK RUEL BAYANI

ITO

KASI I

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with