^

PSN Showbiz

Coleen pumalit sa trono ni Cristine

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Talaga namang bigay na bigay si Coleen Garcia sa pelikulang Ex With Benefits. Scene after scene ang lampungan nila ni Derek Ramsay na hindi ipagtataka ng lahat kung maapektuhan ang boyfriend ni Coleen na si Billy Crawford. Pero sabay ng lakas ng loob na ipinakita ng baguhang ar­tista sa mga manonood ay ang kanyang ganda na hindi maitatago, bagong gising man siya o fully made up. Hindi ito namalas sa programa niyang It’s Showtime o teleser­yeng Pasion de Amor, pero obvious sa Ex With Benefits.

Isa na marahil, kundi man siya ang may pinakamagandang mukha sa ka­­li­punan ng mga artis­ta nga­yon. At maru­nong siyang umarte huh! Natal­bu­­gan nga niya ang ma­­ganda nang si Meg Im­pe­rial na nakakaarte rin. Hindi nakapagtataka kung malinya siya sa mga pe­likulang sexy na pinagreynahan din ni Cristine Re­­yes. At habang wala pang nakikitang kapalit ang hindi na masyadong aktibong artista, ay heto si Coleen at handang ibigay ang gusto ng manonood.

 Bangs hindi nababakante

Akala ko naman ay iniwan na ni Bangs Garcia ang ABS-CBN. Hindi naman pala, nag-trans­fer lang siya ng management from Star Ma­gic to Viva. With Viva handling her career, maaasahan ang paglabas ng seksing artista sa mga prog­ra­ma hindi lamang ng Kapamilya kundi maging ng Kapuso, at Kapatid networks.

Sa kasalukuyan ay may ginagawa siyang dalawang movies, isa ay para sa Regal at ang isa pa ay pang-Metro Manila Film Festival (MMFF). Hindi rin naman magkukulang sa proyekto ang aktres dahil napatunayan na niya ang galing niya sa pag-arte, bukod pa sa may magandang mukha at pangangatawan na maaasahan.

Michael hiwalay na agad sa ina ng magiging panganay

Para namang hindi seryoso si Michael Pangi­linan, ang bagong umaangkin ng titulong Kilabot ng mga Kolehiyala na matagal ding hinawakan noon ni Hajji Alejandro sa pag-amin na magiging ama na siya sa gulang na 19. Pareho sila ng edad ng magi­ging ina ng bata at hiwalay na sila sa kasalukuyan, bagaman at nababahala siya na baka makaapekto ito sa kanyang magandang karera, wala siyang choice kundi aminin ang kanyang kasalanan.

Pananagutan niya ang bata, pero nagkaayawan na silang magpakasal ng nabuntis niya. Hindi siya ang umayaw kundi ang babae pero, nananatili silang magkaibigan.

Samantala, isa si Michael sa walong celebriy con­testants sa season 2 ng Your Face Sounds Fa­miliar. Siya marahil ang pinakabago sa walong sa­sabak para maging kamukha at kaboses ang mga sikat na idols.

Anak ni Sen. Grace target si Jasmine

Sa kabila ng kaabalahan ng anak ni Sen. Grace Poe na si Brian Llamanzares sa pagsuporta sa kanyang ina na hindi pa nag-aanunsyo ng kanyang pagtakbo sa anumang posisyon para sa eleksyon sa 2016 ay panay-panay na ang pagpunta nito ng iba’t ibang panig ng bansa para magpakilala sa tao ay nagagawa pa rin niyang bigyan ng pansin ang kanyang lovelife.

Bago pa man nalaman ng marami ang relasyon nila ng Kapamilyang si Myrtle Sarrosa na kasama rin sa season 2 ng YFSF, ay break na sila agad.

Ngayon ay balitang nakikipagmabutihan ito sa nakakabatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis Smith na itinuturing na isa sa mga prin­se­sa ng Kapatid Network (TV5). Dinaluhan ni Brian ang launching ng bagong ser­ye ni Jasmine sa TV5. (KC)

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ANNE CURTIS

HINDI

LEFT

NBSP

QUOT

SHY

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with