^

PSN Showbiz

Pacman malapit nang maging Hollywood actor

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Anumang gawing paninira ng iba sa Philippine boxing hero na si Manny Pacquiao, wala na sigu­rong ibang boxing icon ang katulad niya na sumubok sa iba’t ibang larangan tulad ng pagkanta, pagku-concert, pag-aartista, pagiging game show host, pagiging celebrity endorser, pagiging isang ne­gos­yante, pagiging playing coach ng isang basketball team, preacher, at higit sa lahat ay ang kanyang pa­giging isang mambabatas. At kahit pagsama-sama­hin itong lahat ay tanging si Manny lamang ang na­ka­­gawa nito labas pa sa kanyang pagiging isang devoted husband sa misis niyang si Jinkee Pac­quiao at ama ng kanilang mga anak.

Ngayon malamang ma­ging Hollywood actor siya dahil inalok siya ni Sylverster Stallone na ma­kasama sa ika-4th mo­vie franchise ng hit action movie na The Expendables.

Edu binata pa rin kahit malapit nang maging senior citizen

Hiwalay man sa respective mothers ng kanyang tatlong anak si Edu Manzano, na­pa­natili niya ang magandang relasyon bilang kaibigan sa mga ito hanggang ngayon. 

Si Batangas Gov. Vilma Santos ang unang misis ni Edu at ina ng kanyang pa­nga­nay na si Luis Manzano who is carving a name of his own. Si Rina Samson naman ang ina ng dalawa pa niyang anak na sina Adi at Enzo.

Ma-link man sa iba’t ibang babae ang malapit nang ma­ging senior citizen na si Edu ay wala na ito kina Gov. Vi at Rina lalo na kay Vi na meron nang Sen. Ralph Recto at isa pang anak na si Ryan Christian.

Marami ang nanghinayang nang magkahiwalay sina Edu at dalaga ng basketball icon at dating senador na si Freddie Webb na si Pinky Webb na ang buong akala ng marami ay mauuwi sa kasalan.

Hanggang ngayon ay nananatili pa ring binata (but not loveless) ang vete­ran TV host-actor na si Edu na parang kabarkada lamang ang mga anak kung sila’y magkakasama.

Jason at Melai hindi nagkukumpara ng mga sahod

Aminin man o hindi ng mag-asawang Jason Francisco at Melai Cantiveros, si Melai talaga ang mas malaki ang kinikita kesa sa kanyang mister. Pero ayaw itong gawing issue ng mag-asawa dahil ang mahalaga ay nagkakatulungan sila para mapa­laki at mabigyan ng magandang future ang kanilang more than one-year old daughter na si Amelia Lucille.

Nagkaron ng second wind ang career ni Melai nang siya’y tanghaling grand winner ng kauna-unang singing reality show na Your Face Sounds Fa­miliar na malapit nang magkaroon ng ikalawang season this month kung saan ay kasama pa rin ang singer-comedienne hindi bilang contestant o participant kundi bilang co-host ni Billy Crawford.

Nakahanap ng iba Singer-composer, diretso sa ex-wife ang 50% ng kita!

Hiwalay na pala ang kilalang veteran singer-com­poser na ito sa kanyang misis kung kanino siya may mga grown up children. Pero ang ex-wife pa rin ang tumatayong manager ng kanyang ex-husband at hati sila, as in 50-50 sharing sa mga kinikita ng singer-composer although tumatanggap na rin ng direktang booking ang bagong kinakasama ngayon ng singer-composer.

At one point ay ang legitimate wife umano ang pinaalis ng singer-compo­ser sa kanilang conjugal house pero hindi ito ginawa ng ex-wife dahil siya ang mas may karapatan na manatili sa bahay.

Masamang-masama man ang loob ng ex-wife ng singer-composer sa dating mister dahil ipinagpalit siya sa iba, wala naman siyang magawa kundi ang tanggapin ang katotohanan na may mahal na itong iba.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

AMELIA LUCILLE

ANG

BILLY CRAWFORD

EDU

LEFT

MELAI

QUOT

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with