^

PSN Showbiz

Sosyalerang aktres milyon ang winawaldas para mawala ang stress

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang pinakamabisa palang pang-alis ng stress ng isang pamosong aktres ay pagsi-shopping. Bitbit ang kanyang mga kasambahay ay nagpupunta siya sa isang sosyal na mall para mag-ikot at bilhin ang bawat nagugustuhan niya.

Hindi naman siya OA, hindi niya ipinasasara ang mall para masolo niya habang nagsi-shopping, wala siyang ganu’ng kadramahan sa buhay.

Pero talagang markado sa mga sales ladies ang pagsi-shopping ng sosyal na aktres, dampot lang siya nang dampot ng bawat magustuhan niya, sa isang shop ay umaabot nang milyon ang kanyang napapamili dahil mga branded stuff ang kinukuha niya.

Sabi ng isang source, “Saka hindi siya mahirap maging client, hindi siya mabusisi, basta nagusuthan niya, agad-agad, kukunin na niya ‘yun.

“May ibang clients kasing matanong. Ilan daw bang pieces ng nagustuhan niya ang meron ang shop? Gusto raw kasi niya na siya lang ang meron nu’n. Mga ganu’ng kuwento.

“Pero si ____(pangalan ng sosyalerang aktres), magaan siyang bentahan. Hindi siya maarte, pirma lang siya nang pirma sa receipt,” kuwento ng isang impormante.

Ewan kung saan niya dinadala ang mga pinamimili niya dahil sa dami. Sa ibang bansa kasi ay kilalang-kilala rin siyang shopaholic. ‘Yun kuno ang pampaalis niya ng stress.

Nu’ng minsang tanungin ng isang staff ng production ang kanyang PA kung ang bitbit nitong branded bag ay pang-araw-araw lang ng sosyal na aktres ay naloka ito.

“Akin po ito. ‘Yun po ang kay ma’m,” sabi ng PA ng sopistikadang aktres. Ohhhhh, ‘di ba naman? Ipinamimigay lang pala ng sosyal na aktres ang mga binibili niyang branded bags sa kanyang mga kasambahay.

Ubos!

Relihiyon at pastor na mister nadamay din sa imbyerna kay Rica

Napakarami naming tinatanggap na komentong hindi paborable para kay Rica Peralejo kaugnay ng sinasabi niyang hindi kagandahang karanasang naengkuwentro niya sa St. Luke’s-Global City.

Sumama ang kanyang pakiramdam ayon sa matagal nang hindi aktibong actress-singer, nagpunta siya sa ospital, pero may mga nurses na nagparetrato sa kanya sa ganu’n niyang kalagayan.

Agad na nagsumbong sa social media si Rica, galit na galit siya sa mga nursing staff ng ospital, isusumbong at irereklamo raw niya ang mga ito sa pamunuan ng St. Luke’s.

Sensitibo ang may sakit. Kahit sa mga ER ng ospital ay masasaksihan natin ang mga pasyenteng nagrereklamo kung bakit tinatanong pa sila nang paulit-ulit tungkol sa kanilang nararamdaman, bakit hindi na lang sila gamutin agad-agad, nakakalimutan nilang napakahalaga ng medical history ng isang pasyente.

Maaaring ganu’n din ang nangyari kay Rica, hindi na nga maganda ang kanyang pakiramdam, pero may mga nagparetrato pa sa tabi niya. Ikinainis niya ‘yun, kaya nag-post siya ng kanyang emosyon sa social media, pero hindi naman lahat ay nakaunawa sa kanya.

May mga nagkomentong dapat ay direkta na lang niyang inireklamo ang mga nurses sa kanilang tagapamuno, hindi ‘yun idinaan pa niya sa social media ang lahat, sa opinyon ng mga kababayan natin ay dapat pa nga siyang magpasalamat dahil kahit hindi na siya aktibo sa showbiz ay may nagpapa-picture pa rin sa kanya.

Pati ang kanyang relihiyon at ang pagiging pastor ng kanyang mister ay nadamay na rin tuloy sa usapin. Ang isang Kristiyano raw ay dapat maging maunawain, may malawak na pasensiya, hindi tulad ni Rica na konting bagay lang ay ikinagalit na.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

HINDI

KANYANG

LEFT

MGA

NIYA

QUOT

RICA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with