^

PSN Showbiz

Vic pinaligaya nang husto si Pauleen

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung kay Vic Sotto na mismo nanggaling ang pagpapa­kasal nila ng girlfriend niya na si Pauleen Luna, aba, eh dapat na itong paniwalaan. Hindi naman ang bossing ng Eat Bulaga ang tipo na magsasalita para lang makakuha ng media mileage. Kung siya nga ang masusunod, ayaw niyang ipagmakai­ngay ang mga pribadong bahagi ng kanyang buhay.

Pero para na rin siguro kay Pauleen kung kaya minarapat na niyang magsalita. Ikinatuwa ito ng nobya niya kaya masaya itong umalis patungong Amerika para sa isang personal na kadahilanan. Suot-suot na nito ang kanyang engagement ring na may bigat na tatlong kilatis. Sasamantalahin na rin nito ang pag­kakataon para bumilii ng kanyang wedding gown na kung hindi ginawa ni Vera Wang ay ni Monique Lhuiller.

Isang simpleng kasal lamang ang inihahanda ng dalawa na maninirahan sa bahay na ipinatayo ni Vic para sa kanilang dalawa pagkatapos ng kasal.

Star Wars bibida sa Pasko ng SM Malls

Hindi nakaagaw ng eksena sa inanunsyong partnership ng Walt Disney Company at SM kundi nakaambag pa nang malaki sa naging pro­mosyon ng partnership nila ang naging performance nina Morisette Amon, Rhap Salazar, Mandaluyong Children’s Choir, at ng Manila Symphony Orchestra sa Something Magical Event na ginanap sa SM MOA Arena nung Miyerkules ng hapon. Napakaganda ng ginawa nilang programa para sa lahat ng manonood ng mga Disney movies. Hindi lamang sa mga sine­han puwedeng maganap ang SM Cinema at Disney experience kundi maging sa mga bahay sa pamamagitan ng kalulunsad lamang na Blinkapp.

Hindi masasabing masuwerte lang ang Pilipinas na ang SM ang pinili ng Disney na maka-partner sa Asya. Talagang karapat-dapat tayo sa magandang pagkakataon na ipinagkakaloob nila dahil walang tatalo sa mga Pinoy sa ginagawa nating pagsuporta sa mga palabas ng Disney, sa mga sinehan man o TV.

Unang ilulunsad ng SM at ng Disney ang Star Wars Galactic Christmas para sa pormal na pagpapalabas ng Star Wars: The Force Awakens. Isa itong exhibit na magpapakita ng mga life size figurines ng mga character mula sa pelikula, interactive games, at mga produkto mula sa SM Stores at Toy Kingdom. Abangan ito sa mga piling SM Supermalls.

Ang launching ay dinaluhan ng pamilya ng mga Sy, sa pangu­nguna ni G. Hans Sy, Pangulo ng SM Prime Holdings. Inc., Edgar Tejerero, Pangulo ng SM Lifestyle Entertainment, Inc., Rob Gilby, Managing Director ng Walt Disney Co. Southeast Asia, at Paul Canland, Pangulo ng Walt Disney, Asia.

Claudine hindi namimili ng lalaki

Si Piolo Pascual pala ang ma­kakapareha ni Claudine Barretto sa kanyang first teleserye para sa Kapamilya. Hindi naman ito masama dahil ti­­nang­gap nang maganda ang pagpapareha ng dalawa sa Milan. At si Claudine yata ang nag-iisang babaeng artista na tinatanggap ng manonood, mapa-pelikula man o TV, kahit na sino ang kapareha.

Hindi ba maganda rin ang naging pagsasama nila ni Aga Muhlach at maging ni John Lloyd Cruz? Bagay siya sa lahat ng lalaking artista kaya hindi siya mahirap hanapan ng proyekto. Matatapos na ang shooting nila ng Etiquette For Mistres­ses kung saan ay puring-puri ni Kris Aquino ang kanyang performance.

Showtime kailangan ng matitinding segment

Katulad ng hosts ng Eat Bulaga, hindi naman nalalayo si Vice Ganda sa kanyang pang-ookray sa mga humihingi ng payo sa kanya para sa kanilang mga problema sa It’s Showtime. Ganun din naman sina Vic Sotto at Joey de Leon na inookray din naman kadalasan ang mga napipili nilang bigyan ng kabuha­yan sa Juan For All, All For Juan. Ang kaibhan lamang nila ay nagbibigay ng pera at mga kabuhayan ang hosts ng EB, samantalang payo lamang at kung susuwertihen ay natutulungan din ni Vice ang mga may problema.

May effort din ang It’s Showtime na makipagsabayan sa EB, pero talagang phenomenal ang kanilang Bulaga Pa More at kalyeserye. Kailangan pa ng It’s Showtime ng ma­titinding segment para makaagapay sa EB.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

HINDI

LEFT

MGA

NBSP

QUOT

SHOWTIME

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with