^

PSN Showbiz

Parang may giyera o kudeta... Young actor napraning nang tubuan ng tagihawat

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung tutuusin ay hindi na bago ngayon ang pagkakaroon ng sariling make-up kit ng mga lalaking artista. Wala namang masama du’n, pag-iingat lang sa kanilang balat ang tangi nilang intensiyon, hygiene sa eksaktong salita.

Dapat lang namang meron silang sariling sponge, alangan namang sponge na ginagamit ng lahat ang gamitin din nila, kaya maraming artistang lalaki ang kumpleto na ngayon ng mga ka­gamitan para sa pagpapa-make-up nila sa shooting at taping.

Napapansin lang naman ng mga miron ang ibang lalaking personalidad kapag OA na. Kapag dinadaig pa nila ang mga babaeng artista sa pagkakaroon ng mga branded na make-up kit.

Isang gabi kasi ay naging paksa sa isang umpukan ng mga make-up artist at hairdressers ang isang young actor na talagang sobrang kumpleto sa mga pangkulapol sa kanyang mukha.

Sa paglalarawan ng isang miron, “Kabog pa niya ang malalaking salon sa rami ng mga kagamitan niya. Grabe ang make-up kit niya, napakalaki, puro branded ang mga stuff niya, puwede na siyang magtayo ng parlor!”

At sobrang banidoso pala ng naturang young actor. Sa kanyang malaking bag (na panglalaki naman, impernes) ay meron nang pinalamig na mineral water na gagamitin niya sa pagme-make-up. Hindi siya gumagamit ng tubig na galing sa gripo, mineral water talaga, takot siyang magka-allergy.

Pero karapatan niya ‘yun. Siya ang bumibili ng mga gamit niya at kapag nagkasakit siya sa balat ay siya naman ang magkakagastos at mamomroblema at hindi ang mga taong wala nang ginawa kundi ang pansinin ang kanyang pagiging banidoso.

Nu’ng minsang tubuan ng taghiyawat sa tabi ng kanyang ilong ang aktor ay parang pinagsukluban na siya ng langit at lupa sa sobrang pamomroblema. Tinawagan niya agad ang kanyang skin specialist at ang sabi niya, “Doc, I have a big problem. We have to do something about this. I have a pimple, I have to see you right after my work!”

Nagkatinginan ang lahat ng nasa dressing room. Kudeta? Giyera? Sobrang laking problema na ang pagkakaroon ng taghiyawat? “OA talaga sya pagdating na sa kutis niya!” tili ng isang miron.

Ubos!

Pagkikita nina Alden at Yaya Dub kinababaliwan na

Ayaw kaming tantanan ng mga kaibigan namin. Sila rin daw kasi ay hindi rin tinatantanan sa kauusisa ng kanilang mga officemates. Magkikita na raw ba nang personal sa Sabado nang tanghali sina Alden Richards at Yaya Dub?

“’Yun kasi ang announcement nila sa kalyeserye, maglalaban daw sina Yaya Dub at Alden sa Saturday, ‘di magkikita na sila sa Broadway?” tanong pa ng kaibigan naming si Liza.

Sabi nga namin, sa tindi ng problemang naeengkuwentro namin araw-araw dahil sa matinding traffic sa EDSA ay parang mas mahalaga pa para sa ibang mga kababayan natin ang pagkikita na nang personal ng AlDub loveteam, grabe!

Kaabang-abang ang bawat tanghali ng kanilang buhay ngayon dahil sa AlDub, sa kung ano’ng mangyayari sa kalyeserye ng Eat Bulaga, ganu’n na talaga kalawak ang epidemya ngayon ng pinagbibidahang palabas nina Alden at Maine Mendoza.

May mga kaibigan naman kami na ang hindi pinalalampas ay ang komedyang hatid nina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros bilang triplets na lola ni Yaya Dub.

Ibang klase naman kasing humirit sina Jose at Wally, kahit nagluluksa ka pa ay siguradong pansamantalang mawawala ang kalungkutan mo dahil sa kanilang pagkokomedya, iba ang uri ng kanilang pagpapatawa.

Hindi na basta mula Batanes hanggang Jolo lang ang magneto ng Eat Bulaga, pangbuong mundo na, basta may Pilipino.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

EAT BULAGA

LEFT

MGA

NIYA

QUOT

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with