^

PSN Showbiz

Katawan ng aktor kitang-kita Kim at Xian, magkasamang nag-shower ng madaling araw

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Noong Lunes ay nagsimula nang mapanood sa ABS-CBN mobile ang kauna-unahang pelikula ng Star Flix na Must Date The Playboy. Pinagbibidahan ito nina Xian Lim at Kim Chiu. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa raw nina Xian at Kim ang pinaka-daring na eksena sa lahat ng kanilang mga naging proyekto. “Sobrang lamig pero it was fun naman. ‘Yung shower na ‘yun sobrang lamig. Pinaghandaan talaga ni Xian ‘yun. Hindi siya kumakain bago ‘yung take na ‘yun. Pero ‘yung take na ‘yun 3 a.m. na ‘yun. Nahiya nga siya maghubad. Tapos okay naman, nag-enjoy naman ako,” natatawang kuwento ni Kim.

Kailangan daw talagang mapanood ng mga tagahanga ang nasabing shower scene para masaksihan ang magandang pangangatawan ni Xian. “Nahiya nga ako kasi hindi ako nasabihan. Hindi ako aware na may gano’ng eksena. Pero maganda naman siya lumabas. Promise, wala silang sinabi kasi maybe ‘pag sinabi nila parang two days before baka nagsabi na ako na puwede bang may robe na lang or sando na lang. Tapos si direk Mae (Cruz Alviar) pa nagsabi na, ‘Tanggalin mo na ‘yan!’ So sabi ko, ‘Okay, okay po.’ Nanggaling kasi ‘yun pagkatapos ng Garage pictorial ko no’n. That was the next day. Hindi nga namin alam na para sa first episode ‘yun eh. Ang lamig no’n,” nakangiting pahayag naman ni Xian.

Liza hindi inasahan na makakasama si Gerald

Hindi raw kailanman inakala ni Liza Soberano na makakatambal niya sa isang proyekto si Gerald Anderson. Makakasama ng dalawa sa pelikulang Everyday I Love You si Enrique Gil. “Hindi ko ine-expect na si Gerald ang makakasama namin, na siya agad. Kasi parang sobrang up there na siya. Hindi ko in-expect na siya ‘yung magiging third party (sa istorya ng pelikula). Excited din ako kasi first time ko lang siya na maka-work,” bungad ni Liza.

Aminado ang dalaga na noon pa man ay hinahangaan na niya si Gerald. “Dati pinapanood ko lang siya sa Tayong Dalawa. Siya ‘yung unang male actor na hinangaan ko. Kasi sila ni Kim Chiu ang unang pinanood ko na teleserye. No’ng nalaman ko na si Gerald ang makakasama namin, natuwa ako,” pagbabahagi ni Liza.

Nakapagsimula na rin sila para sa shooting ng nasabing pelikula. “Nag-start na kami mag-shooting pero isang day lang. Ginawa lang namin ‘yung shooting na ‘yun para bago mag-ghost month, ma-start na para tuloy-tuloy na,” pagtatapos ni Liza.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

CRUZ ALVIAR

HINDI

KIM CHIU

QUOT

SIYA

STRONG

XIAN

YUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with