^

PSN Showbiz

Pauleen, iniyakan ang alok na kasal ni Vic

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nag-usap kami ni Pauleen Luna tungkol sa engagement nila ni Vic Sotto at hindi niya napigil ang pagpatak ng kanyang luha.

Of course, tears of joy ang pag-iyak ni Pauleen na maligayang-maligaya dahil ikakasal na sila ng kanyang minamahal.

Tulad ng palagi kong sinasabi, wala nang liligaya pa sa mga babae na inaalok ng kasal ng kanilang mga karelasyon, tunay na mhin man o tomboy.

Nabanggit ni Pauleen sa aming tsikahan portion na isang pribadong kasalan ang gusto ni Vic kaya konti lamang ang mga invited guest. Hindi na ako hoping na maiimbitahan sa wedding day dahil sa pamilya pa lang nina Bossing at Pauleen, sosobra pa sa fifty guests.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, binili ni Bossing sa Hong Kong ang bonggang engagement ring na ibinigay niya sa love of his life na handa nang makasama siya forever and ever.

Marami ang nasorpresa sa pag-amin ni Bossing sa isang presscon tungkol sa engagement nila ni Pauleen.

Ito ang sinasabi sa akin ni Papa Joey de Leon na matagalan man, dumarating sa buhay ng mga lalaki na magpakasal sa babae na gusto nilang makasama habambuhay at ngayong 2015 ang tamang panahon para kay Bossing.

Wais sa pera, Pauleen hindi mamahaling wedding gown ang planong bilhin

Hindi lamang ang kalyeserye ng Eat Bulaga ang inaabangan ng televiewers dahil waiting sila sa pagbabalik ni Pauleen Luna mula sa U.S. pagkatapos ng revelation ni Bossing na engaged na sila.

Hindi kagulat-gulat kung lalong tumaas ang rating ng Eat Bulaga dahil dalawang loveteam na ang aabangan ng madlang-bayan, ang real-life loveteam nina Bossing at Pauleen at ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub.   

Nag-fly away sa U.S. si Pauleen at ang kanyang madir dahil dadalo sila sa kasal ng isang kamag-anak.

Nagbigay ng hint si Pauleen na puwede niyang silipin ang mga shop nina Monique Lhuillier at Vera Wang para sa wedding gown na gagamitin niya sa araw ng kasal nila ni Bossing pero depende ang lahat sa presyo.

Wise spender si Pauleen kaya kapag expensive ang presyo ng mga wedding gown sa U.S., dito na lamang siya magpapagawa sa bansa natin na magandang desisyon dahil marami tayong mga mahuhusay na designer.

TV show minamaltrato ang mga artistang kasali?!

Hinihintay ko ang date na September 10 dahil malalaman ko sa araw na ito kung pumasok o hindi ang talent fee ng isang alaga ko para sa isang TV show.

Kapag walang talent fee ang alaga ko, all hell breaks loose ang mangyayari dahil wala nang makakapigil pa sa akin na magsalita tungkol sa demoralizing na trato hindi lamang sa alaga ko kundi pati na rin sa ibang mga artista.’Yun lang muna ang puwede kong i-share at sabihin.

Jean Saburit nakakakilabot ang sinapit sa Kanong dyowa

Nakakaloka naman pala ang mga experience ni Jean Saburit sa kanyang American boyfriend na hiniwalayan niya.

Mabuti na lang, nagpasya si Jean na tapusin ang relasyon nila ng ex-dyowa na tinik sa kanyang dibdib.

Isang malapit kay Jean ang nagsabi na magsasalita siya sa Startalk tungkol sa kanyang mga horrible experience.

Dapat panoorin ang panayam kay Jean kapag natuloy ito dahil kapupulutan ng aral ang mga pinagdaanan niya na nangyayari sa tunay na buhay at hindi lamang sa pelikula.

Nakakabilib si Jean dahil lumalaban siya sa mhin na ginagawa ang lahat para magulo ang kanyang tahimik na buhay.

vuukle comment

ALIGN

ANG

DAHIL

EAT BULAGA

HINDI

LEFT

MGA

NBSP

PAULEEN

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with