^

PSN Showbiz

Sa rami ng raket Melai aminadong mukhang karne na!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagkatapos maging grand winner sa unang edition ng Your Face Sounds Familiar, regular nang mapapanood si Melai Cantiveros sa pagbabalik ng lingguhang transformations sa YFSF simula next week, September 12.

Magiging visible ang komedyana na aminadong nag-level up ang raket nang maging grand winner sa naturang programa. Makikita siya sa kabuuan ng programa na naka-prosthetics pa rin.

“Grabe ang raket. To the highest level. Buhay na buhay. Ang nakakatakot lang, ayaw na nila akong makita. Ang gusto nilang makita ay si Miley Cyrus. Pero ‘pag may prosthetics naman, mas mahal na siyempre ang TF hahahaha,” pagkukuwento ni Melai na na-over excite sa kanyang solo presscon kahapon kasabay nang pagpapakilala sa bagong batch ng celebrity performers ng programa.

At ang the height, meron na rin siyang solo concert. Pinamagatang Melai Mo! May Concert, sa September 18 sa Teatrino, Greenhills. “Hindi ako makapaniwala nang sabihin sa akin ng manager ko. Dati pangarap ko lang ito. Ayaw ko, baka naman may mag-tweet na bawal may lip sync,” pagbibiro niya.

Dahil sa rami ng raket, aminado siyang marami nang nabago sa buhay niya at sa kanyang pamilya. “Kitang-kita naman ngayon. Hindi na ako mukhang isda, mukhang karne na ako,” sabay tawa niya.

Si Melai ang magsisilbing KatroFamiliar sa bawat episode ng YFSF. Makikilala siya linggu-linggo bilang iba’t ibang personalidad na makakasama ng walong celebrity performers sa kanilang mga paandar pagkatapos ng kanilang performances.

Ayon kay Melai, lalo siyang excited sa kanyang pagbabalik sa programa dahil aniya, sa pagkakataong ito ay walang pressure para sa kanya na mag-perform.

“This time, na-appreciate ko talaga ang pagbabago sa buhay ko nang sobra-sobra dahil nanalo ako na alam kong pinaghirapan ko, lalo na sa prosthetics at pagkanta. As a performer, parang nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko. Parang nag-level up ako. Nalampasan ko na ang kaba kapag lumabas sa stage at humarap sa audience,” pagbabahagi ni Melai.

Kasama sa bagong batch sina Absolute Performer na si Sam Concepcion, ang Soul Supreme na si KZ Tandingan, ang Dental Diva na si Kakai Bautista, ang Harana Prince na si Michael Pangilinan, ang Playful Angel na si Myrtle Sarrosa, ang Komikero ng Masa na si Eric Nicolas, ang Rebel Rock Royalty na si Kean Cipriano, at ang Sultry Heiress na si De­nise Laurel.

 Kasama naman daw sa mga nag-audition pero hindi pumasa sina Jaya at Kylie.

Anyway, gaya nang naunang season, walang elimination sa programa at dadaan ang performers sa acting, dance, at vocal training kasabay ng kumpletong make-up transformation para lubos nilang makopya ang ayos, hitsura, at galaw ng kanilang assigned music icons.

Level up din daw ang mga pasabog at transformations sa pagbabalik ng programa sa pangunguna ng host na si Billy Crawford.

 “It’s all about just having fun and doing things that you would not expect doing for everyone to see. It’s all about enjoying the weekend and changing the weekend habit of viewers. Nabigyan kami ng pagkakataong bumalik, and we hope na magpasaya uli kami ng mga tao,” sabi ni Billy.

 Magbabalik din sa Your Face… ang jurors na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, world si­nging champion Jed Madela, at Megastar na si Sharon Cuneta para husgahan ang performances ng celebrity performers.

Marjorie aakting na ulit, hindi na raw kasi sustentado ni Gretchen

Tulad ni Claudine Barretto, kakayod na uli si Marjorie Barretto.

Hindi siya (Marjorie) nagdalawang isip na tanggapin ang offer ng TV5 na magkontrabida sa bagong serye na My Fair Lady na pinagbibidahan ni Jasmine Curtis.

“Malalaki na ‘yung mga bata, settled na ‘yung mga bata, so, puwede nang mag-work for a while. Plus it’s not so heavy, it’s a rom-com, so hindi naman ako masyadong mabibigla kung drama kaagad,” sabi ni Marjorie sa mga interview kahapon.

At very supportive naman ang da­ting nakasira niyang kapatid na si Claudine. Niregaluhan pa raw siya nito ng taping chair na magagamit din niyang higaan.

Matagal ding namahinga si Marjorie sa aktingan, nag-concentrate siya noon sa pag-aalaga ng mga anak.

Pero may ibang intriga naman sa pagbalik ni Marjorie sa showbiz. Ang say ng isang showbiz insider, kailangan na raw kasi talaga ni Marjorie na magtrabaho dahil hindi na siya sustentado ni Gretchen Barretto dahil nga common knowledge na magkaaway sila dahil sa isyu ng panlalaglag umano ni Marjorie kay Gretchen sa isa nilang kapatid.

Eh hindi naman daw puwedeng iasa nila lahat kay Julia Barretto, ayon pa sa observer kaya, kailangan daw talaga ni Marjorie na mag-work.

                                        

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

HINDI

LEFT

MARJORIE

MELAI

MGA

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with