^

PSN Showbiz

Alden at Yaya Dub kailangan pang ihanda para sa pelikula

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Kailangan pa ng tambalang AlDub nina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang mas malawak na exposure bago pa sila pumalaot sa paggawa ng pelikula. Kung ngayon nila ito gagawin ay hindi pa sila nakasisiguro ng tagumpay.

Kaunting tiyaga pa at nalalapit na rin kayo. ‘Yung expsosure n’yo sa pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nina Vic Sotto at AiAi delas Alas ang magsisilbing barometro kung pupuwede na kayong pakawalan sa pelikula.

Coleen natalbugan si Meg?!

Napapanood na ngayon ang movie ni Coleen Garcia with Derek Ramsay na Ex with Benefits. Kasama rin sa pelikulang ito si Meg Imperial na marami ang nagsasabing natalbugan ni Coleen dahil sa mas malaki nitong role. Ganun?!

Mark handang maghintay sa oo ni Winwyn

Okay lang muna kay Mark Herras kung wala pang resulta ang panliligaw niya kay Winwyn Marquez. Batid niyang naiintindihan ang kaabalahan nito kaya hindi makapagseryoso sa kanyang lovelife. Handa namang maghintay ng aktor na abala rin naman sa kanyang mga trabaho.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

COLEEN

COLEEN GARCIA

DEREK RAMSAY

MAINE MENDOZA

MARK HERRAS

MEG IMPERIAL

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NBSP

VIC SOTTO

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with