^

PSN Showbiz

Mukha ni Dennis nagkalat kung saan-saan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Grabe ang promo ng Viva Films at ng mga taga-Iglesia Ni Cristo (INC) sa Felix Manalo dahil bukod sa trailer, nagkalat ang mga nakataas na billboards ng movie na picture lang ni Dennis Trillo ang nakalagay, kaya mas malakas ang impact.

May billboard din ang movie sa mga bus stop, waiting shed, sa mga bus at tuluy-tuloy ang labas ng print ad sa newspapers at idagdag pa ang radio and TV guestings ni Director Joel Lamangan at Dennis. Tinupad ng Viva Films at ng INC ang sinabi sa presscon na sasabayan nila ng malaking promo ang biggest, grandest, and most star-studded movie ng bansa.

Sa October 4, ang premiere night ng Felix Ma­nalo at isa ito sa premiere night na majority ng press people ay gustong mapanood at nagpaimbita. Sa Oct. 7, ang regular showing ng pelikula pero mauuna ang showing ng movie sa SM Rosales Pangasinan sa September 30, kung bakit ay hindi namin batid.

Samantala, kahit sinasabi ng lahat na sigurado nang box-office hit ang Felix Manalo, excited at kinakabahan pa rin si Dennis sa resulta nito sa takilya.

Bilib ang fans at moviegoers kay Dennis dahil napaghihiwalay nito ang pagiging Felix Manalo sa role niyang si Emman na lolokohin ng asawa (Jennylyn Mercado) sa My Faithful Husband.

Alden at Yaya Dub magtatagpo na!

Nagdiriwang at excited na ang AlDub fans nina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) na baka magkita na ang dalawa sa Sabado sa Eat Bulaga dahil sila ang maglalabas sa wildcard ng Bulaga Pa More contest.

May inilabas na clue si Joey de Leon sa Twitter na “THE CAT SAT AND SAID,” Up here! Hit me! This is the life! Aldubadabado!” na pinaghirapang i-decipher ng AlDub fans. Ang latest na tweet ni Joey ay “Greetings from Kalyeserye---MERRY DUBSMASH TO ALL!” at ang dating nito sa fans ay sa Sabado na ang tamang panahon para magkita ang dalawa.

Kaya lang, may sinabi si Lola Nidora (Wally Bayola) na gagawin niya ang lahat para hindi magkita ang dalawa at nagkakagulo na naman ang fans. May kasamang kaba ang excitement nila at wish ng mga ito na hindi na sila ma-hopia.

Jasmine nag-aral pa ng archery para sa MY Fair Lady

Sa September 14, 2015 na ang pilot ng My Fair Lady, ang bagong teleserye ng TV5 at Philippine adaptation ng hit Korean rom-com series. Bida si Jasmine Curtis-Smith sa role ni Audrey Tiuseco, ang rich kid at spoiled brat at pag-aagawan siya nina Vin Abrenica at Luis Alandy.

Nag-aral ng archery si Jasmine para sa kanyang role at ipinahiram ng GMA 7 si Luis para maging ka-triangle ni Vin.

Kasama sa cast sina Eddie Gutierrez, Marjorie Barretto, DJ Durano at Joross Gamboa. Sa presscon, malalaman kung ano ang role ng mga nabanggit. Malalaman din kung sino ang nagpa­tuloy sa pagdidirek ng My Fair Lady habang nagpapagaling si Director Ricky Rivero.

Rocco tuloy ang pagpapa-inject ng anti-rabies

Humabol si Rocco Nacino sa presscon ng Starstruck 6 nang ipinakilala ang main host/juror na si Dingdong Dantes at segment hosts na sina Mark Herras, Miguel Tanfelix, Kris Bernal. Galing sa taping ng Beautiful Strangers ang aktor at hindi pumayag na wala siya sa presscon dahil bukod sa segment host nga, gusto niyang suportahan ang programang kanyang pinanggalingan.

Gaya nina Kris, Miguel, at Mark, hindi siya threatened na may bagong batch ang SS6 na madadagdag sa kanila. Sa halip daw na ma-insecure at maglaban-laban, mas maganda kung matulungan ang bagong batch.

After ng presscon, diretso sa St. Luke’s Medical Center si Rocco para sa injection sa kagat ng aso ni Lovi Poe. Sa first day, nine injections ang ibinigay sa kanya at may mga susunod pa. Kasalanan daw niya kung bakit siya nakagat dahil nilaro niya ang aso na napikon yata.

Samantala, nag-spoiler ng konti si Rocco sa mga mapapanood na eksena sa Beautiful Strangers.  Hindi lang pala si Lovi ang gaganti sa mga umapi sa kanya, may iba pang karakter na magre-revenge at sa ngiti nito, parang isa siya sa roon.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

AUDREY TIUSECO

BEAUTIFUL STRANGERS

FELIX MANALO

MGA

MY FAIR LADY

NBSP

ROCCO

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with