^

PSN Showbiz

Buong angkan bitbit kapag nagbabakasyon... Starlet ginatasan ang milyonaryong nakarelasyon!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Paikut-ikot lang ang mga kuwentong-showbiz. Parang nobela lang na paulit-ulit na nasusulat, nilalagyan ng mga dagdag na eksena, para maiba naman sa mga unang lumabas na.

Karelasyon ngayon ng isang aktres ang isang milyonaryong businessman. Maayos naman ang kanilang pagsasama, marunong magdala ng relasyon ang aktres, hindi kasi siya mapagsamantala.

Natutulungan ng negosyante ang kanyang pamilya sa probinsiya, pero hindi siya nanghihingi, ang lalaki ang nagkukusa dahil hindi nga siya palahingi.

Naging karelasyon din pala nu’n ng milyonaryong businessman ang isang starlet. Pero nagkaroon ito ng pagkakataong makilala nang maging co-host ito sa isang pamosong show.

Ayon sa kuwento ng kampo ng negosyante ay mabait daw naman ang starlet, simple lang, pero masyado itong makapamilya. Kapag nagpupunta sa ibang bansa ang starlet para magbakasyon ay kasama nito ang kanyang buong angkan.

Kuwento ng source, “Minsan, mga treinta katao silang bumibiyahe. Kasama niya kasi ang buong pamilya niya, ang mga pamangkin niya, ang mga kamag-anakan nila. Mahigit thirty kung bumiyahe sila.

“Ganu’n siya, e. Isinasama niya talaga ang mga kamag-anak niya sa pagbabakasyon. Natural, natatawa na lang ang businessman, sobrang clannish kasi ang girlfriend niya,” kuwento ng aming source.

Pero ang sobra ay sobra na. Nagdesisyon ang businessman na putulin na ang pakikipagrelasyon sa starlet. Nalaman kasi nito na habang may relasyon sila ay may iba pang boyfriend ang starlet.

Isang kilalang sportsman ang kasabayan nito sa puso ng starlet. Natuklasan ng milyonaryong businessman na nu’ng nagbabakasyon pala ang babae sa ibang bansa na salapi nito ang bitbit ay kasama na rin sa entourage ng girl ang isa pa niyang boyfriend.

Ubos!

Sa sobrang kasikatan Maine hindi na makauwi sa kanilang bahay

Dahil hindi nakauuwi sa kanilang bahay sa Sta. Maria, Bulacan si Maine Mendoza na sikat na sikat na ngayon bilang si Yaya Dub ay ang kanyang mga magulang at kapatid na ang dumadalaw sa kanya.

Hindi rin sukat-akalain ng pamilya ng sikat na dalaga na ganito ang kauuwian ng kanyang buhay, isa siyang chef na nag-OJT pa sa London, pero sa halip na makapagtayo ng restaurant ay magiging sikat na personalidad pala siya.

Walang aksidente sa mundong ito. Lahat ay nakatakda. Maraming humanga kay Maine sa pagda-dubsmash niya sa YouTube, napansin siya ng TAPE, Incorporated, isinalang siya ni Tita Malou Choa-Fagar sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

At ang mga kasunod pang kuwento ay isa nang malaking kasaysayan ngayon dahil parang napakalakas na bagyong nananalasa sa kasalukuyan ang kanilang tambalan ni Alden Richards.

Hindi na maitatago ang itsura ngayon ni Maine Mendoza, kahit saan siya magpunta ay pinagkakaguluhan na siya, nakalikha ng bagong personalidad na iibigin ng publiko ang pinakamatibay at pinakamatatag na noontime show.

Tuwang-tuwa ang staff ng kilalang salon owner na si Bambbi Fuentes sa napakagandang kapalaran ni Yaya Dub. Sa kanila kasi palaging nagpupunta ang pamilya ng dalaga nu’ng hindi pa siya sumisikat. Nu’ng mag-debut si Maine ay kay Bambbi rin nagpaayos ang buong pamilya.

“Akalain mo ‘yun? Wala naman siyang hilig mag-artista, pero ngayon, super-sikat na siya!” komento ng magaling na hairdresser ng Bambbi Fuentes na si Jun Parcero.

‘Yun kasi ang nakatakda. ‘Yun ang nakaguhit sa kanyang palad. Hindi aksidente ‘yun kundi talagang magaganap sa takdang panahon.

Sabi nga ng sikat na sikat na karakter ni Wally Bayola na si Lola Nidora, “Babala…asawa ni Babalu.”

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BAMBBI FUENTES

EAT BULAGA

HINDI

JUN PARCERO

MAINE MENDOZA

MGA

SIYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with