^

PSN Showbiz

‘Hindi ako ang tipong nagdi-deny’... Vic Sotto inaming engaged na sila ni Pauleen!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Puspusan ang paghahanda ni Rocco Nacino sa pagsali niya sa Asian Open.

Ang isa sa nagbibigay inspirasyon sa kanya ay si Lovi Poe na okay na okay daw ang kanilang relasyon.

Ayon kay Rocco, maganda raw ang foundation ng kanilang relasyon na nagsimula bilang magkaibigan.

Sabi ni Rocco nang nakatsikahan namin sa press launch ng Starstruck 6, seryoso raw ang relasyon nila ni Lovi, pero wala pa raw silang napag-uusapang settling down.

Pero kung si Rocco ang tatanungin, ang tingin daw niya ay si Lovi na ang perfect wife para sa kanya.

“It’s too early to tell, dahil wala pa kaming plano talaga.

“Sana po. I’m nearing my 30s na rin. Ipinagdarasal ko na rin po na sana kami na talaga,” pahayag ni Rocco.

PAK: Panay ang post ni Rufa Mae Quinto ng mga sexy photos niya at sinasabi niyang handang-handa na siyang lumabas pagtapos ayusin ang katawan niya.

Kamakailan lang ay nag-iiyak pa siya sa kanyang Instavideo na na-post pero ngayon ay pawang positive posts na ang makikita at gusto na raw niyang bumalik sa trabaho.

Sabi niya sa isang post niya kahapon; “Smile guys…Eto na ako… Magpapaligaya na again abangan…”

Ayaw lang muna ni Rufa Mae magsalita dahil ayon sa ilang taong malapit sa kanya, inaayos na raw ang kasong isasampa laban sa doktor na nag-opera at sumira diumano sa katawan niya.

BOOM: Inamin na ni Vic Sotto kahapon na engaged na sila ni Pauleen Luna.

Marami ang naintriga sa suot na singsing ni Pauleen sa Eat Bulaga nung kamakalawa lang. Pero tikom ang bibig ng actress/TV host at hindi talaga kami sinagot kung engagement ring na nga ang suot nito.

Nakausap namin ang Eat Bulaga host sa press launch ng CitiGlobal kahapon at hindi niya itinanggi nang tinanong kung engaged na nga sila ni Pauleen.

Aniya; “Yes we are. Hindi ko naman puwedeng i-deny ‘yun. Pero ‘yung ibang details, ‘yun ang sa tamang panahon.”

Ang duda ng karamihan, nag-propose si Vic nung umalis sila ng Thailand ni Pauleen, pero ayon sa mga napagtanungan namin, kamakailan lang nag-propose si Vic sa aktres.

Tinawagan namin si Pauleen pagkatapos ng interview kay Bossing Vic pero nakiusap itong huwag na muna siyang tanungin tungkol dito.

Magsasalita raw siya pagbalik niya galing Amerika.

Kahapon umalis si Pauleen patungong Los Angeles para daluhan ang kasal ng kanyang pinsan. Kasama ang kanyang ina na umalis at hindi naman daw susunod si Bossing Vic.

Sabi naman ni Bossing, masaya sila ngayon ni Pauleen pero hindi lang daw talaga sila mahilig na ikuwento ito lahat sa publiko. Mas ini-enjoy lang daw nila ngayon ang moment na silang dalawa lang.

“Hindi naman ako ‘yun tipong magdi-deny, sabi ko naman sa inyo kung merong dapat aminin, inaamin.

“The details, to follow na lang,” may halong pabiro ni Bossing Vic.

“I’m always good. I’m happy the way things are turning out, with Bulaga, sa mga kasamahan ko sa trabaho. I feel great,” dagdag niyang pahayag.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASIAN OPEN

BOSSING VIC

EAT BULAGA

LANG

NIYA

PAULEEN

PERO

ROCCO

SABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with