Vic Sotto at Pauleen Luna engaged na!
MANILA, Philippines — Inamin ni Vic Sotto ngayong Miyerkules na engaged na sila ng kaniyang girlfriend na si Pauleen Luna.
Kinumpirma ito ni Vic sa isang panayam, ngunit naging tikom tungkol sa iba pang detalye, tulad ng petsa ng kasal.
"Engaged na kami," sagot ng Eat Bulaga host. "Pero ang details sa tamang panahon."
CLIP: Vic Sotto confirms engagement with Pauleen Luna. @PhilstarNews pic.twitter.com/YRZ92qop8a
— PhilstarShowbiz (@PhilstarShowbiz) September 2, 2015
Ilan sa mga netizens ang nagsabing engaged na nga ang dalawang host matapos makita si Pauleen na may suot na singsing kahapon sa kanilang noontime show.
Sa column naman ni STAR entertainment editor Ricky Lo ay sinabi niyang ngayong taon gagawin ang kasal nina Vic at Pauleen.
"The only minor thing being discussed is 'where'," sabi ni Lo.
- Latest