^

PSN Showbiz

Hindi bumenta sa manonood serye ng magka-loveteam na aamin na sana, biglang sinibak!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nasayang ang plano ng isang magka-love team na aminin ang kanilang relasyon sa gitna ng takbo ng pinagtambalan nilang tele­serye. Handa na sanang umamin ang dalawa, kaya lang, bulilyaso ang plano dahil hindi nagtagal sa ere ang teleserye.

Na-cut short ang airing ng te­leserye dahil hindi masyadong ma­ganda ang ratings na in fairness, hindi kasalanan ng showbiz couple. Pareho silang magaling na artista at kayang-kayang magdrama. Maganda rin ang story ng teleserye, hindi lang malakas ang naging impact sa viewers, kaya mabilis itong tinapos.

Maghihintay uli ang magka-love team na bigyan sila ng kanilang network ng bagong teleserye o kahit show na magkasama sila para matuloy na ang kanilang plano na aminin ang more than two years nilang relasyon. Nagi-guilty na siguro ang dalawa sa kanilang pagde-deny lalo na sa mga kakilala sa press na alam ang totoong estado ng kanilang relasyon.

Kris may curfew na para hindi ma-HB

Nagsu-shooting na uli si Kris Aquino ng Etiquette for Mistresses after ng ilang araw na pahinga. Kahapon, bago magpunta sa shooting ng nabanggit na pelikula sa Subic, nag-dubbing muna siya para pa rin sa pelikula nila nina Claudine Barretto, Kim Chiu, at Iza Calzado dahil this September na ang play date nito.

Hanggang Saturday ang shooting ni Kris, pero para hindi na maulit ang nangyari na pagtaas ang blood pressure niya dahil sa pagod at puyat, hanggang 12 m.n. na lang ang shooting niya. May cut-off na siya at bawal nang magpuyat ng husto para hindi na uli siya magkasakit at hindi atakihin ng allergy.

Bago ang sunud-sunod na shooting, nag-taping na rin si Kris para sa kanyang Kris TV. Siguro naman, pati sa Aquino & Abunda Tonight ay ma­pa­­panood na rin si Kris.

Regine libre nang lumabas sa TV5

Nag-guest si Regine Velasquez sa last Sunday episode ng Happy Truck ng Bayan ng TV5 dahil birthday presentation ng asawang si Ogie Alcasid. Post ni Ogie sa Instagram (IG), reunion daw nila ‘yun nila Janno Gibbs dahil pare-pareho silang galing sa GMA 7.

Walang conflict sa Kapuso Network ang paggi-guest ni Regine sa Happy Truck ng Bayan dahil wala siyang katapat na show sa home network niya, saka birthday naman ni Ogie.

Sa picture na pinost nina Ogie at Janno, kitang masaya ang tatlo sa muli nilang pagsasama-sama. Lalo tuloy nanghinayang ang fans ng tatlo na hindi na sila magkakasama sa isang network at malabo silang magkasama sa isang show habang may kontrata pa sina Janno at Ogie sa TV5 at si Regine ay nakakontrata sa GMA 7.

Samantala, sa mga naka-miss kay Regine, mapapanood siya sa StarStruck 6 dahil isa siya sa juror ng reality artista search kasama sina Jennylyn Mercado at Joey de Leon.

Sa mga gusto naman siyang mapanood na mag-concert uli, may Regine...at the Theater siya sa Solaire sa November 6, 7, 20, & 21. Makakabili na ng tiket, kaya buy na kayo bago pa magkaubusan!

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

ACIRC

ANG

BAYAN

CLAUDINE BARRETTO

DAHIL

HANGGANG SATURDAY

HAPPY TRUCK

HINDI

NBSP

OGIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with