^

PSN Showbiz

AiAi iaasa na lang kay Lord ang pagpapakasal

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ayaw pa ring umasa ni AiAi delas Alas na makasal siya, pero isa rin sana sa magawa niya ang matupad ang Sacrament of Marriage.

Alam naman ng lahat ang relasyon niya sa kanyang non-showbiz boyfriend, pero ayaw na niyang pag-usapan pa o isapubliko.

Kung magkakaroon daw ng chance, sana mabigyan daw siya ng pagkakataong makasal, pero kung hindi naman daw ito mangyari, okay naman daw sa kanya.

“Hayaan na lang natin ang panahon at si Lord ang mag-decide kung gusto pa niya ako ipakasal. Kung hindi, okay lang. Pero kung puwede sana, kasi bilang Katoliko nasa pitong Sakramento na kailangan ‘yung Sacrament of Marriage, para wala akong kasalan ‘pag humarap ako sa Panginoon, eh ‘di masaya kung makasal ako.

“Hindi na ako umaasa, pero sana para kumpleto naman ako dun sa pitong Sakramento,” seryosong pahayag ni Aiai.

PAK: Marami na nga ang nakapansin sa pagbagsak ng katawan ng magaling at guwapong aktor, kaya pinagdududahang baka bumalik na naman ito sa dati niyang bisyo.

Baka totoo nga ang narinig naming kuwentong hindi magtatagal ang bagong programang pinagbidahan niya.

Kasisimula lamang nitong programa niya, pero mukhang tatapusin din daw agad dahil sa kalagayan nitong hindi maganda. Maaring disciplinary action na rin ito kay aktor na nakakapanghinayang pa naman dahil magaling pa naman ito at promising ang career.

BOOM: Muling nag-post si Rufa Mae Quinto sa kanyang Instagram account na puwede na siyang humarap sa publiko, pagkatapos masira ang katawan niya after niyang magpaopera.

Sinubukan naming tawagan ang handler niya sa ma­nager niyang si Shirley Kuan kung puwede na itong magsalita.

Nagkukunsulta pa raw muna siya sa abugado niya dahil mukhang aabot ito sa demandahan.

Sunud-sunod ang mga post ni Rufa Mae tungkol sa hirap na pi­nag­daanan niya at meron pang Insta­video na umiiyak pa ito. May ilang post din siyang kuha ng katawan niyang punung-puno ng pasa.

Sabi niya sa isang post niya nung kamakalawa lang, may tatlong doktor daw siyang nag-ayos ng sinira ng cosmetic surgeon na nag-opera sa kanya.

Sabi pa ni Rufa Mae; “Wala ko sama ng loob sa dark scart kong doctor forgive and forget. Pero sana next time wag na maulit sa iba and be hygienic para wala get infection maganap.

“Kaya nagpakita ako videos para alam ng tao paano ang tamang procedure bago opera. Be clean and magdaan sa proper tests. CBC blood etc, and cardio clearance, etc. etc.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

KUNG

NAMAN

NIYA

PERO

RUFA MAE

RUFA MAE QUINTO

SABI

SACRAMENT OF MARRIAGE

SAKRAMENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with