^

PSN Showbiz

Aktres na separada todo ang paglalandi sa actor na hiwalay sa asawa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Lumalandi ang isang aktres sa mhin na hiwalay sa asawa. Separada rin ang aktres sa kanyang asawa na aktor din pero hindi pa annulled ang kanilang kasal.

May drama ang aktres na hindi pa ito tumatanggap ng mga manliligaw at hindi dapat paniwalaan ang kanyang press release dahil nakikipaglandian na siya sa ibang mhin.

Mabibigo ang aktres sa balak nito na magetlak ang mhin na pinupuntirya dahil nabigyan na ito ng babala ng concerned citizens.

Pinagsabihan ang mhin na maging maingat dahil kakaiba ang ugali ng aktres na capable na manira ng kapwa kapag hindi niya nakuha ang gusto.

Mga kasali sa SS6 may face value lahat

Pareho ang mga opinyon at obserbasyon ng showbiz press na artistahin talaga ang mga aspiring star na nag-join sa reality-based artista search ng Kapuso Network na StarStruck 6 na magsisimula nang mapanood sa susunod na Lunes, September 7.

Mula sa Top 35, pipili ng Top 14 contestants ang StarStruck Council na kinabibilangan nina Joey de Leon, Regine Velasquez, at Jennylyn Mercado.

Mga host naman sina Dingdong Dantes at Megan Young na produkto rin ng StarStruck.

Nag-research pa Cesar walang kaalam-alam sa pagiging porno star ni Maria Ozawa

Hindi pala pamilyar si Cesar Montano kay Maria Ozawa kaya nag-research pa siya tungkol sa Japanese porn actress na makakatrabaho niya sa Nilalang, ang pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015.

I’m sure, pagkatapos ng kanyang research, may alam na si Cesar tungkol kay Maria na sikat na sikat sa mga mhin dahil sa mga adult movie niya.

Hindi pa nagsasalita si Cesar tungkol sa news na siya ang ipinalit kay Robin Padilla bilang lead actor ng Nilalang dahil nanggaling ang confirmation mula sa production crew.

Lance binalikan ng karma matapos mabagsakan ng barbell sa mukha

How true na mas dumami ang mga project ng singer/actor na si Lance Raymundo mula nang magkaroon siya ng freak accident sa isang gym?

Medyo nagbago ang mukha ni Lance nang sumailalim ito sa reconstructive surgery pero marami ang nagsabi na mas guwapo siya ngayon.

Good karma si Lance dahil hindi siya nagsampa ng kaso o nagtanim ng sama ng loob laban sa trainer na may kasalanan kaya nabagsakan siya ng 80-pound barbell sa mukha.

Pinatawad ni Lance ang trainer dahil ang katwiran niya, aksidente ang naganap at walang may gusto na mangyari ito.

Miguel Vera hindi nakalimutang makipag-bonding kay Sancho bago umalis ng bansa

Nakaalis na pala ng bansa si Miguel Vera na umuwi ng Pilipinas para bisitahin ang kanyang mga kamag-anak.

Bago siya bumalik sa Amerika noong Sabado, dinalaw ni Miguel ang kanyang stepson na si Sancho Vito delas Alas.

Nagbukas ng bar sa Pasig City si Sancho at ang kanyang mga business partner.

Hindi nakaligtaan ni Miguel na makipagkita at kumustahin ang panganay na anak ni AiAi na na­ging ba­hagi ng buhay niya noong nagsasama pa sila ng Comedy Queen. Pinuntahan niya si Sancho sa bar at dito sila nag-bonding, kasama ang kanyang misis na si Priscilla.

“Papa” ang tawag ni Sancho kay Miguel na tunay na anak ang turing sa kanya. Si Miguel ang nakagisnan at kinikilala ni Sancho na ama.

Kahit wala na siya sa showbiz, active si Miguel sa pagpo-produce ng mga musical play sa U.S. Sila ng misis niya ang produ ng Noli Me Tangere, The Musical na nagkaroon ng successful run sa California.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CESAR MONTANO

COMEDY QUEEN

HINDI

MARIA OZAWA

MGA

MIGUEL

MIGUEL VERA

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with