^

PSN Showbiz

Dahil sa poodle na regalo ng ex, aktor kinalasan ang aktres!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoo man o hindi ay nakakaaliw pa ring pakinggan-balikan ang kuwento kung bakit nagkahiwalay ang isang showbiz couple. May kinalaman pala ang alagang aso ng magandang aktres sa kuwento.

Ang naturang aso ay binili ng ex ng aktres. ‘Yun ang iniregalo nito sa kanyang kaarawan. Isang napakagandang puting poodle ‘yun na mahal na mahal ng aktres.

Pero pagkatapos lang nang ilang buwan ay nagkahiwalay ang guwapong aktor at ang magandang aktres. Inihabilin ng aktor sa aktres ang regalo nitong aso, sana raw ay huwag madamay ang kanilang alaga sa paghihiwalay nila, nangako naman ang aktres na mamahalin niya ang aso na parang hindi sila naghiwalay ng aktor.

Fast forward. Ang kasunod na naging karelasyon ng aktres ay isang kasamahan din nilang aktor sa network. Nag-live-in agad sila. Nakikita ng aktor kung paano mahalin ng aktres ang alaga niyang aso.

Wala palang hilig sa aso ang aktor. Deadma lang ito sa alaga ng kanyang karelasyon. Kahit minsan, ayon sa aming source, ay ni hindi man lang kinarga ng aktor ang alagang poodle ng kanyang girlfriend.

Heto na. May isang variety show kung saan sila magkakasama. Ang ex na singer-actor ng aktres, ang kasalukuyan niyang boyfriend, nagkikita-kita sila sa studio tuwing nandu’n sila sa variety show.

Magkasabay na naglalakad sa hallway ang magkarelasyong aktres at aktor, tiyempo namang palabas ng dressing room ang ex niyang singer-actor, biglang nagpapalag ang poodle nang makita nito ang ex ng kanyang amo.

Talagang kumakawag ang buntot ng aso sa sobrang saya nang makita nito ang singer-actor, walang nagawa ang aktres kundi ang pakawalan ang kanyang alaga, agad na humabol ang poodle sa ex niya. Inis na inis ang kanyang boyfriend, inaakyat kasi ng poodle ang katawan ng singer-actor na parang nagpapakarga, kahit minsan ay hindi ‘yun naramdaman ng aktor mula sa aso.

Sabi ng aming source, “Wala kasi siyang kaamor-amor sa aso, kaya ayun, nu’ng makita ang ex ng girl, talagang humabol ang poddle. Mapagpamahal kasi sa aso ang singer-actor, hindi kagaya ng actor na sarili lang niya ang mahal niya.

“Ume-echo kasi ang pagmamahal hindi lang sa tao kundi pati sa mga hayop,” madiing pahayag ng aming impormante.

Ubos na ubos!

Para hindi ma-pressure Robin pinapayuhang ilihim muna ang susunod na pagbubuntis ni Mariel

Totoong napakasakit para kina Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang pagkawala ng triplets pa namang ipinagdadalantao ng magandang TV host. Para mabilis silang makapag-move-on at nangibang-bansa muna ang mag-asawa.

vuukle comment

ACIRC

ACTOR

AKTOR

AKTRES

ANG

ASO

DEADMA

HETO

MARIEL RODRIGUEZ

ROBIN PADILLA

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with