^

PSN Showbiz

Kahit pa palipat-lipat ng network, mister ni Ina hindi reklamador!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masuwerte raw si Ina Raymundo dahil nabibigyan siya ng pagkakataon na lumabas sa iba’t ibang TV station. Kabilang ang aktres sa teleseryeng All of Me na pinagbibidahan nina JM de Guzman, Yen Santos, at Albert Martinez. Isang serye rin ang ginagawa ni Ina sa Kapuso network. “’Yung mga artista kasing katulad ko, hindi na ‘yan pinag-aagawan na maging exclusive kaya nakaka-crossover ako. Kasi ‘di ba, talagang ang ini-exclusive eh ‘yung mga bata. And sa status ko, hindi na talaga. But I enjoy it na nakaka-ober da bakod ako,” paliwanag ni Ina.

Samantala, kahit kabi-kabila ang ginagawang proyekto ay hindi naman daw napababayaan ni Ina ang kanyang pamilya. “Hindi naman mangyayari ‘yan. Kahit anong puyat ko, gumigising pa rin ako ng 6:20 ng umaga para mag-prepare, para tumulong. Kasi siyempre apat silang pumapasok sa school at the same time. Hindi ko naman pinapabayaan ang mga anak at asawa ko,” kuwento ng aktres.

Hindi raw nagrereklamo ang asawa ni Ina kahit na sobrang abala niya sa pagiging artista. “So far hindi pa naman. Sabi ko nga sa kanya, magreklamo ka if ever. Talagang ako ‘yung magkukusa ‘pag napapansin ko na wala na talaga akong time,” pagtatapos ni Ina.

Sheryn tanggap na naagawan na siya ng korona ni Angeline

Nasa bansa ngayon si Sheryn Regis para sa 10-city tour na kanyang gagawin simula sa September 2. Matagal-tagal nang hindi napapanood ang singer sa telebisyon at concert mula nang iwan ang Pilipinas noong 2010. Masayang-masaya si Sheryn dahil kahit paano ay hindi pa rin daw siya nakalilimutan ng mga kababayan natin. “I’m positive naman. Sa akin as long as may babalikan ako kahit hindi gano’n kalaki ang shows. As long as may nagbe-believe pa talaga sa akin,” nakangiting bungad ni Sheryn.

Binansagan noon na Queen of Teleserye Theme Songs ang singer na ngayon ay napunta na kay Angeline Quinto. Wala raw problema kay Sheryn kung sino man ang pumalit sa kanyang trono. “Okay lang po. At least may nakasunod naman. At least nabansagan ako before which I’m very fortunate enough to have that opportunity na mabigyan ng trono na ganyan. Pero kung may bago naman, at least may chance rin ang iba at hindi lang ako,” nakangiting pahayag ni Sheryn.

Nakilala rin ang singer bilang ang Crystal Voice of Asia kaya may titulo pa rin si Sheryn hanggang ngayon. “I’m still the Crystal Voice of Asia kasi akin talaga ‘yun. Pero ‘yung Queen of Teleserye Theme Songs na title, for sure hindi naman forever ‘yun eh. May susulpot at susulpot na bago. Kasi dati di ba si Carol Banawa, tapos ako ‘yung sumunod, tapos may sumunod,” giit pa niya.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

AKO

ALBERT MARTINEZ

ANG

CRYSTAL VOICE OF ASIA

HINDI

INA

KASI

NAMAN

QUEEN OF TELESERYE THEME SONGS

SHERYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with