^

PSN Showbiz

Entertainment group binuwag Janno nganga na sa Kapatid?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nanghihinayang ki­na Ogie Alcasid at Janno Gibbs dahil dalawa sila sa pinakamalaking ma­aapektuhan sa pagkakatanggal ng entertainment group ng TV5. Kukuha na lamang ng mga content providers ang network para sa mga programa na tatanggapin at magugustuhan nila. Hindi bale raw si Ogie  na guaranteed ang contract sa Singko. Pero si Janno ay talagang artista lamang na iniwan ang Kapuso Network para mag-try sa Kapatid Network.

Nakagawa na siya ng maraming komposisyon na pinakikinabangan at nagagamit sa mga teleserye ng Kapuso Network. Ano kaya ang susunod niyang hakbang para sa kanyang karera?

 Pati sa trabaho hindi nag-iiwanan Coco at Julia parehong may kakambal!

Para raw pinagtiyap na parehong doble ang characters na ginagampanan nina Coco Martin sa Ang Probinsyano at ni Julia Montes sa Doble Kara. Pareho raw kambal ang mga character nila na ikinatuwang malaman ng lahat ng dumalo sa isa pang pa-presscon para sa remake sa TV ng isa sa maraming pelikulang nagawa ni Fernando Poe, Jr.  

Isa pa raw patunay ang pagkakatulad ng trabaho ng dalawa na pinaniniwalaang may malalim na relasyon, pero pilit pa rin nilang itinatanggi. Wala naman maisagot dito si Coco kundi ang katotohanan na hindi pa niya maaring iprayoridad ang kanyang puso hangga’t hindi pa niya talagang nailalagay sa ayos ang buhay ng kanyang pamilya.

Samantala, nakatakda na at naghihintay na la­mang ang tamang panahon para maipalabas ang Ang Probinsyano. Tapos na rin ang napakahirap na training na ginawa nila bilang paghahanda rito Sabi nga ni Coco ay puwede na siyang maging pulis matapos ang training niya.

Bukod kay Coco, binubuo ng isang napakalakas na cast ang Ang Probinsyano nina Albert Martinez, Agot Isidro, Maja Salvador, Arjo Atayde, Bela Padilla, Jaime Fabregas, Susan Roces, sa ilalim ng direksyon nina Malou Sevilla at Avel Sunpongco.

Sa istorya, gagampanan ni Coco ang mga characters nina Ador at Cardo, isang kambal na pinaghiwalay ng tadhana ngunit pinag-isa ng kanilang pangarap na makapaglingkod sa bayan bilang pulis.

Meg ayaw na uling lumobo!

Hindi lang ang followers ni Meg Imperial ang nagtaka kung bakit biglang support na lamang ito ni Coleen Garcia sa Ex With Benefits na nagtatampok din kay Derek Ramsay. Hindi bale raw sana kung support lamang ang role nito, pero kontrabida pa siya ni Coleen na magpapahirap sa relasyon nila sa istorya ng nagbabalik-Kapamilyang aktor.

Sa sandaling depression ni Meg ay nasingitan siya agad ni Coleen? Eh bago ang pelikula nilang dalawa ay nagbida na rin si Meg sa isang teleserye, ang Moon of Desire, at naging matagumpay naman.

“Nagkaroon kasi ako ng depresyon dulot ng isang personal na problema. Tumaba ako kaya hindi nagkaro’n ng follow-up na serye. Nabawasan din ang mga proyekto ko. Siyempre, hindi ko naman pababayaan na masayang muli ang magandang nasimulan ko kaya pilit kong ibinalik sa dati ang sarili ko,” pag-amin ng magandang aktres na nagpakilala bilang isang sexy actress.

Kasalanan nga namang malaki ‘yung naging paglobo ng katawan niya. Pero balik na siya sa dati at kahit kontrabida ang role niya sa Ex With Benefits ay pinagbutihan naman niya ang kanyang performance.

‘Yun nga lamang, mas mahirap ang role at mga eksena kaysa sa kanya ng ini­lulunsad na bituin sa pelikula. Mas lalo lamang nagiging determinado si Meg na maibalik ang pagtitiwala ng mga taong nagtiwala sa kanya.

Sunshine kayang tiisin ng anak?!

Gagampanan nina Paul Salas, Francis Magundayao, at Sunshine Cruz ang ku­wento ng isang pamilyang susubukin ng panahon at pagkakataon nga­yong gabi sa MMK (Maalaala Mo Kaya). Bata pa lamang ay sadlak na sa kahirapan si Aurora (Sunshine) at mga anak na sina Mark (Paul) at Michael (Francis). Kaya naman noong limang taong gulang si Mark ay ipinaampon ito ng ina sa pag-asang magkaroon ito ng mas maayos na buhay.

Dahil dito, lalaking mailap si Mark sa ina at kapatid hanggang sa nadestino ito sa Cebu para mag-aral. Sa kanilang pagkakawalay, matutuklasan ni Mark ang pagpunta ni Aurora sa Maynila at iisiping inabandona na nito sila ni Michael. Sisidhi ang galit sa puso niya at sisikaping magtapos ng pag-aaral para mapatunayan sa ina na kaya niyang tumayo sa sariling paa.

Hanggang saan kayang tiisin ng anak ang ina? Paano mababago ang kanyang pagtingin oras na malaman ang nililihim palang karamdaman ni Aurora? Alin ang mas matimbang, ang pangarap o pamilya?

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ANG PROBINSYANO

EX WITH BENEFITS

HINDI

LEFT

MGA

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with