^

PSN Showbiz

Anak ni Mark Anthony sobrang na-starstruck kay Claudine

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkita na ang anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae at ang dating kasintahan ng aktor na si Claudine Barretto. Nangyari ang pagtatagpo ng dalawa nang mag-guest si Claudine sa ASAP Chill Out kamakailan kung saan regular na napapanood si Grae.

Na-starstruck daw ang binata sa aktres nang ipakilala sila sa isa’t isa. “Mabait po siya, sobrang bait po niya. Actually no’ng may nagpakilala sa amin, tapos sabi ng nagpakilala, ‘This is Grae,’ sabi niya, ‘Ah, you’re the son of Mark.’ So parang kilala niya po ako kaya ako, nakita ko, ‘Ay! Kilala niya pala ako.’ So in-interview ko po siya roon,” kuwento ni Grae.

“Konti lang po ‘yung natanong ko sa kanya kasi po nakaka-starstruck na makakita ng gano’ng artista. So I asked to take a picture po kasi medyo na-starstruck po ako sa kanya. Sobrang brief lang po talaga because she was in a hurry pero parang nag-joke po siya. When we had a picture, sabi niya, ‘Ito na ‘yung next leading man ko,” dagdag ng binata.

Nangangarap daw si Grae na makasama si Claudine sa isang proyekto. “Of course po, kahit sino naman, pero na-starstruck po talaga ako. No’ng nakita ko ‘yung trailer for her new movie, sobrang maganda ‘yung acting kaya nando’n pa rin ‘yung acting niya. She’s been on a break for a long time. Kung kaming dalawa po, siguro po siya ‘yung nanay ko at ako po ‘yung anak,” pagbabahagi ni Grae.

Pero anghel naman Sam pumayag na namang maghubad

Matagal-tagal nang hindi lumalabas si Sam Milby sa isang teleserye. Ngayon ay masayang-masaya ang aktor dahil napabilang siya sa Nathaniel na pinagbibidahan ng batang aktor si Marco Antonio Masa. “Biglaan lang ang pagsama sa Nathaniel. Sobrang blessing talaga. Nathaniel has been doing very, very well sa ratings,” bungad ni Sam.

Gaganap ang aktor bilang isang warrior angel sa nasabing soap opera. Isang malaking karangalan din para kay Sam na makasama sa Nathaniel na talaga namang namamayagpag sa ratings. “Siyempre kailangan ng tulong ni Nathaniel sa laban niya. I’m happy na warm ‘yung pagtanggap ng mga tao. I’m excited. It’s obviously a great, great cast, great story. Ang sarap talagang sumama sa TV shows na nagbibigay ng magandang lessons, mas lalo para sa mga kabataan,” nakangiting pahayag ng aktor.

Matatandaang topless si Sam nang gumanap bilang sireno sa Dyesebel noon. Ngayon ay muling mapapanood ang aktor na topless sa telebisyon. “It’s funny kasi last year isa akong sireno, shirtless na sireno. Tapos ngayon shirtless na anghel na medyo may fantaserye rin,” pagtatapos ng aktor.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

AKTOR

ALIGN

ANG

CHILL OUT

CLAUDINE

GRAE

NATHANIEL

QUOT

STRONG

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with