^

PSN Showbiz

Kaya itinodo nang pumayat... Meg Imperial maraming lumampas na trabaho nang lumusog!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Meg Imperial na nakasama niya sa pelikulang Ex With Benefits si Derek Ramsay.

“Kasi siyempre Derek Ramsay ‘yan so ang feeling ko mai-intimidate ako but surprisingly hindi. Very approachable siya and siya talaga ‘yung unang kumausap sa akin. Then nagpa-picture pa siya on our first day. So sabi ko ang bait niya and very comfortable ako working with him. Parang gusto ko siya makasama ulit sa next project,” nakangiting pahayag ni Meg.

Kinailangan daw ng aktres ang matinding paghahanda upang makipagsabayan sa kaseksihan nina Derek at Coleen Garcia sa nasabing pelikula.

“It helped kasi na-motivate ako na to go on a diet and to do workouts and para naman makasabay sa kanilang dalawa,” pagtatapat ni Meg. Matatandaang sa tele­seryeng Moon of Desire pa huling nagbida sa telebisyon ang dalaga. Bakit nga ba hindi pa ito nasusundan hanggang ngayon? “Nagkaroon lang ng mga problems in between but I’m recovering now. I’m okay na and mas tina-try ko now to improve myself. Para if may project na dara­ting mabibigay ko ‘yung best ko and mas makikita nila ‘yung different Meg Imperial na,” paliwanag ng aktres.

Aminado si Meg na nadagdagan ang kanyang timbang kaya sinisikap daw nitong mag-workout ngayon. “Biggest problem ko ‘yun kasi siyempre in this industry you have to be slim and you have to look good always, so na-haggard ako siguro. I was not bitter but sad yes. Sad dahil I felt like I missed the opportunity na magtuloy-tuloy,” pagtatapos ng aktres.

Albert aminadong posible uli siyang mag-asawa

Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang pumanaw ang asawa ni Albert Martinez na si Liezl Martinez. Malaking tulong daw sa aktor ang pagkakaroon niya ng bagong teleserye dahil nakapapawi ito ng kanyang lungkot na nararamdaman.

Magbibida si Albert kasama nina JM De Guzman at Yen Santos sa All Of Me na malapit nang mapanood sa Kapamilya Network. “Ito ‘yung pinakamagandang way siguro para matanggal ‘yung iniisip mo sa ibang bagay at makapag-focus ka naman sa isang bagay na gusto mong gawin,” bungad ni Albert.

Samantala, hindi pa raw sumasagi sa isipan ng aktor ang muling pag-aasawa pero posible raw itong mangyari sa mga susunod na taon. “Honestly right now it has not crossed my mind. I’m still grieving right now. Probably a year, three years, five years, ten years? I’m not closing (my doors) but as of now, it’s not even actually crossing my mind,” makahulugang pahayag ni Albert.  -Reports from James C. Cantos

vuukle comment

ACIRC

ALBERT MARTINEZ

ALL OF ME

ANG

COLEEN GARCIA

DE GUZMAN

DEREK RAMSAY

EX WITH BENEFITS

JAMES C

MEG IMPERIAL

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with