^

PSN Showbiz

Anak ng dating mga aktor na sina Dennis Da Silva at Eric Fructuoso, susubukan ang kapalaran sa showbiz

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kasali sa Starstruck 6 si Faith Da Silva ng Laguna. Pamilyar ang family name ng bagets dahil dating artista ang tatay niya, si Dennis Da Silva.

Hindi ko alam kung nagkikita pa ang mag-ama dahil matagal nang nagdurusa sa Pasig City Jail si Dennis na nasangkot sa isang rape case.

Maganda at papasa na artista si Faith pero nakasalalay pa rin ang kapalaran niya sa showbiz sa magiging resulta ng kanyang pagsali sa reality-based artista search ng GMA-7.

Bale dalawa ang mga anak ng artista na kasali sa Top 35 ng Starstruck, si Faith at ang anak ni Eric Fructuoso na si Frederick.

Pulitiko handang magbayad ng kahit magkano makuha lang si Yaya Dub!

How true na name your price ang offer kay Maine Mendoza aka Yaya Dub ng isang pulitiko na kakandidato para sa mataas na posisyon sa eleksyon sa susunod na taon?

Malabo na makuha ng pulitiko ang serbisyo ni Yaya Dub o ni Alden Richards dahil sa personal na dahilan.

Gagayahin ko ang madalas na sabihin ni Lola Nidora (Wally Bayola), sasabihin ko ang personal na dahilan sa tamang panahon.

That’s My Bae bubusugin ang mata ng mga empleyado ni Bambbi Fuentes

Bukas na pala ang grand finals ng That’s My Bae, ang contest ng Eat Bulaga na inaabangan ng mga babae at bading.

Parang nakikita ko na ang mga eksena bukas sa parlor ni Bambbi Fuentes, nakatutok na naman sa TV ang kanyang mga empleyado na fans ng That’ s My Bae.

Unforgettable sa akin ang isang kostumer na talagang nag-react sa isang beautician na hindi mapuknat-puknat ang mga mata sa panonood sa pagsasayaw ng mga star material na contestants ng That’s My Bae.

Lola Tidora at Lola Tinidora inindian ang KalyeSerye kahapon!

Nabitin ang mga nanood kahapon ng KalyeSerye ng Eat Bulaga dahil sa akala na ipapakilala na ang ka-triplet nina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros).

Kabilang sa mga nag-abang ang kasambahay ko na si Mel na fan na fan ng KalyeSerye.

Umasa si Mel na ipapakita na kahapon si Lola Tinidora pero hindi ito nangyari dahil pati ang Lola Tidora character ni Paolo Ballesteros, hindi umapir.
Ang hula ni Mel, si Michael V. ang gaganap na Lola Tinidora pero mas marami ang naniniwala na si Jose ang ka-triplet nina Lola Nidora at Lola Tidora. O di ba, hindi obvious na pinapanood ko rin ang KalyeSerye na kinababaliwan ng buong Pilipinas.

Eat Bulaga sinisikreto na ang mga barangay na pinupuntahan

Hindi na sinasabi ng mga Eat Bulaga host ang barangay na pinupuntahan nina Wally, Jose, Paolo at Maine Mendoza tuwing Sabado para hindi dumagsa ang mga tao.

Hindi na kasi maawat ang fans sa pagpunta sa mga barangay na dinarayo ng mga KalyeSerye host kaya nahihirapan ang security personnel na kontrolin ang mga tao.

Noong nakaraang Sabado, hindi rin sinabi ng mga Eat Bulaga host ang pagdarausan ng naudlot na kasal nina Yaya Dub at Frankie (Jose Manalo) para hindi sumugod ang fans pero nadulas naman si Vic Sotto dahil binanggit nito ang branch ng Puregold na malapit sa venue ng wedding scene.

vuukle comment

ANG

EAT BULAGA

HINDI

LOLA

LOLA NIDORA

LOLA TIDORA

LOLA TINIDORA

MGA

MY BAE

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with