^

PSN Showbiz

Ryan Rems sumikat sa ‘rock and roll to the world’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinirang na pinakaunang grand champion ng Funny One ang dating English instructor at call center agent na si Ryan Rems Sarita sa grand finals na ginanap sa It’s Showtime noong Sabado (Aug 8). Nanguna naman sa daytime programs sa parehong araw ang ABS-CBN noontime show, base sa datos ng Kantar Media.

Nakuha ni Ryan Rems, na mas sumikat dahil sa kanyang signature line na ‘rock and roll to the world’, ang kiliti mga manonood at espesyal na mga hurado sa kanyang mga panalong hirit kaya naman sa huli siya ang nagwagi ng P1 milyon at tinalo ang kapwa finalists na Crazy Duo (1st runner up), si Nonong Ballinan (2ndrunner up), No Direction (3rd runner up), at si Gibis Alejandrino (4th runner up).

Sa panayam ni Ryan Rems sa TV Patrol, inamin ng Funny One champion na wala sa plano niya ang sumali sa naturang contest.

“Nag-aapply ako dito bilang writer pero sabi nila ‘walang vacancy ng for writer. Pero nag-stand up comedy ka pala, may audition kami soon.’ Sabi ko naman ‘tatagal ba ako roon ng one o two episodes? Kikita ba ako diyan kahit barya lang?” pagbabahagi ni Ryan Rems.

Nang tanungin kung ano ang gagawin sa napanalunang jackpot, sabi niya ay gagamitin niya ito para mapag-aral ang tatlong pamangkin habang ang ma­titirang halaga ay “ipapang-goodtime” niya.

Kasabay ng pagwagi ni Ryan Rems ay ang pagwagi rin ng It’s Showtime sa national TV ratings noong Sabado matapos pumalo ang Kapamilya noontime show ng 27.1% kontra kalabang programa na Eat Bulaga na nakakuha ng 21.1%, base sa datos ng Kantar Media.

Ang Funny One ay segment sa It’s Showtime na naglalayong mahanap ang pinakamahusay na komikero at mabigyan ng pagkakataon ang mga baguhang komedyante na makapagtanghal sa telebisyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG FUNNY ONE

CRAZY DUO

EAT BULAGA

FUNNY ONE

GIBIS ALEJANDRINO

KANTAR MEDIA

NO DIRECTION

RYAN REMS

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with