^

PSN Showbiz

Anne pinalitan na ni Cristine sa lumayo ka... mas pinili ang movie with Maja at Paulo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa kanyang Instagram (IG) account ay nagpasalamat si Anne Curtis sa mga nag-download na ng Anne Galing, ang Match-3 game na available sa Google Play na ang aktres mismo ang nag-design. Sa mga hindi pa nakapag-download, just text AG ON to 2600.

Aliw ang nasabing game na ang player ay puwedeng mag-shop for digital clothes, build a wardrobe and personalize Anne’s in-game outfits.

Ang Anne Galing ay creation ng Xe­leb, Inc., isang bagong mobile games company launched by Xurpass, Inc. Kabilang sa shareholders ng Xeleb sina Anne, Isabelle Daza, Erwan Heussaff, at Kim Atienza. Silang apat din ang tutulong sa Xeleb to expand its network of stars. Umpisa lang ang Anne Galing sa mga Anne Curtis branded games for Xeleb.

“I chose a match-3 type of game because it’s my personal favorite. I’m actually very good at it! But I wanted Anne Galing to be unique and to have my personal touch, so I threw in my love for fashion into it. In fact, I even have some of my Anne Kapal concert outfits turned into Anne Ga­ling items,” says Anne.

Samantala, sa isang na-post na picture sa IG, tila may meeting sina Anne, Maja Salvador, at Paulo Avelino at ang sabi, magsasama ang tatlo para gumawa ng pelikula na co-production ng Star Cinema at Viva Films.

Ito yata ang kapalit sa isang episode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin na dapat ay gagawin ni Anne, pero hindi na siya natuloy. Si Cristine Reyes ang ipinalit kay Anne.

Bahay ng nanay ni Cherry Pie na pinatay, hindi pa rin ginagalaw

Si Cherry Pie Picache lang ang nakasama nina James Reid at Nadine Lustre sa taping ng On The Wings of Love, ang rom-com-drama series ng ABS-CBN na airing na sa August 10, sa Primetime Bida time slot. Naobserbahan ni Cherry Pie na sweet at close ang dalawa, kaya sinubukan niyang tanungin kung sila na.

Showbiz para kay Cherry Pie ang “hindi” na sagot ng dala­wa dahil iba ang kanyang nakita. Inintindi na lang niya sina James at Nadine na baka hindi pa right time sa kanila ang umamin at nakikita niyang priority ng magka-love team ang kanilang career at mahal nila ang kanilang fans.

Na-impress nga si Cherry Pie sa JaDine fans dahil sa airport pa lang ay sinalubong na sila at hindi iniwan hanggang sa taping. Nakasunod ang fans to make sure na maayos sina James at Nadine.

Habang kausap si Cherry Pie, nakumusta ang kaso ng kanyang ina at naluha ito nang ikuwentong isi­nelebrayt nilang magkakapatid ang 76th birthday ng ina noong June 27. Sa bahay nito sila nag-celebrate at pinuno nila ng balloons ang bahay ng ina na hindi pa nila ginagalaw mula nang mangyari ang krimen.

Sa Aug. 19, may hearing uli sa pagpatay ng ina nila na death anniversary sa September 19. Kinomend ni Cherry Pie ang NBI, PNP, at Quezon City Court sa tulong na ginagawa sa kanila para mabilis na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa ina.

Rocco at Lovi halos hindi na naghihiwalay

Magta-travel na naman ang magnob­yong Rocco Nacino at Lovi Poe sa September at sa Japan sila tutungo. May Jujitsu competition ang aktor at isasama niya ang girlfriend. Habang nagku-compete siya, mag­sa-shopping naman daw si Lovi.

Nagpaturo si Lovi kay Rocco ng Jujitsu at na-impress sa kanya ang aktor dahil mabilis matuto ang GF. Nagbiro lang si Rocco na sana hindi gamitin sa kanya ni Lovi ang matututunan sa Jujitsu kung saan, nasa second level na ang aktor at blue belt na ang suot.

Halos hindi na nga naghihiwalay sina Rocco at Lovi na magkasama rin sa Beautiful Strangers at sa indie film na Lakambini.

Ang payo lang kay Rocco ng reporters, ‘wag silang mag­sosos­yo ni Lovi sa negosyo at baka maging daan ‘yun ng conflict sa kanilang relasyon at pag-awa­yan pa nila.

Anyway, sa August 10 na ang pilot ng Beautiful Strangers sa direction ni Albert La­ngitan.

Jillian hinahanapan na ng ka-loveteam

Matangkad for her age si Jillian Ward na at 10 years old ay almost five feet na at gustong ma-achieve ang 5’5” height. Future lea­ding lady ng GMA 7 ang child star na napapanood ngayon sa Pari ‘Koy. Hinanapan na nga siya ng press people ng makaka-love team, pero wala pang maisip ang mga reporter.

Grade four sa isang international school sa Clark, kaya may accent si Jillian ‘pag nagbabasa ng English. Mahusay din itong kumanta at sana sa tamang panahon, bigyan siya ng chance ng GMA Records na maging recording star.

Sa ngayon, sa pag-aartista muna focus si Jillian, masaya siya sa role niyang si Sarah na ang gusto lang ay mabuo ang kanyang pamilya. Nakaka-relate siya dahil mahal na mahal din niya ang kanyang pamilya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANNE

ANNE CURTIS

ANNE GALING

CHERRY PIE

HINDI

LOVI

NBSP

ROCCO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with