^

PSN Showbiz

Kris inililihim ang relasyon nila ni Phil

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mukhang may something nga na namamagitan sa presidential sister na si Kris Aquino at Azkals player na si Phil Younghusband. Ang simpleng pa­ma­masyal ng sikat na footballer ay hindi nagawang i-post ni Kris sa kanyang social media accounts at sa halip ay hindi nito nabanggit ni minsan man ang ginawang pagdalaw ng sikat na footballer sa set ng kanyang movie na Etiquette for Mistresses.

Pinagtatakhan ng lahat why all of a sudden ay hin­di niya ikinuwento ang ginawang pagdalaw ni Phil. Maski sa kanyang TV show ay tameme si Kris tungkol dito. Kundi pa ito ipinost sa Instagram ng designer friend ni Kris na si Bang Pineda na nasa set din ng movie ay baka hindi pa malalaman ng lahat ang naging mga kaganapan.

Sa kanyang TV show ay palaging binabanggit ni Kris ang paghahanap niya sa kanyang Mr. Right. Pero talagang ipinagtataka ng lahat kung bakit biglang silent si Kris tungkol kay Phil na tinututulan ng marami na ma-link sa kanya dahil mas bata ito.

May edad ba na pinipili ang pag-ibig?

It’s Showtime niyayanig ng Pa More...

Pagdating talaga sa pag-iisip ng mga segment na kakagatin ng manonood ay walang makakatulad ang Eat Bulaga. Biglang na­apektuhan nila ang ka­la­ban na It’s Showtime na bagaman at naga­gawa nang makipag-sabayan sa Eat Bulaga ay biglang na­­lagay sa alanganin sa pagsisimula ng Bulaga Pa More, kung saan ay nag­papagalingan sa pagsa­yaw at pagkanta ang mga celebrities na sumasabak sa pakontes.

Maging ako ay kontra sa ilang mga nagiging winner pero dahil mas pinipili sila ng mga manonood kung kaya hindi ko na pinoproblema pa ang choice nila. ‘Yung naging labanan nina Aiza Seguerra at Paolo Balles­teros ay pinakaabangan ng marami kahit pa sa palagay ko ay hindi patas ang laba­nan, lalo na ang naging resulta nito. Paano mo pag­lalabanin ang isang song number ni Aiza tungkol sa mga kapus-palad na ka­bataan na pinag-aaral ng Eat Bulaga kontra sa makulay na prod ng mga Sireyna sa pamumuno ni Paolo na nagpasirku-sirko pa sa ere?

Nagpaiyak sa lahat ng mano­no­od ang production number ni Aiza dahil talaga namang touching at nagpakita ng kabutihan ng show. What most of the viewers of EB thought was just a simple noontime show ay may advocacy pala, nagbibigay ito ng pag-asa at tulong sa maraming kabataan para magkaron ng edukasyon.

Ang alam lang ng marami ay ang pagbibigay ng show ng silya at school supplies sa maraming public schools at ang layunin na maiangat ang buhay ng maraming binabahay-bahay nila, pero ‘yung maraming scholars nila was a reve­lation, maski na sa akin.

Okay na nanalo sa contest si Paolo. Maski si Aiza ay maiintindihan na it’s all for show. Ang mahalaga ay naipaabot ng Eat Bulaga ang mensahe nila sa manonood sa pamamagitan niya. ‘Yun lang!

Career ni Albie sasagipin ng resulta ng DNA test

Napaka-unfair naman pala kay Albie Casino kung totoong pinatunayan ng DNA test na hindi siya ang ama ng anak ni Andi Eigenman. Ilang taon din niyang pinagdusahan ang hindi pag-angkin sa batang siya ang itinurong ama. Maging ang pag-aartista niya ay naapektuhan sa sinasabing pagi­ging malupit niya sa pagtanggi na maging ama ng bata. Pero wala nang problema rito ang nagbabalik-Kapamilya.

Subalit kahit napatunayan na mali ang pagdadawit sa kanya ng ina ng bata, umiiwas na ring pag-usapan ito ni Albie at gustong isentro na lamang ang panahon niya sa kanyang muling pag-aartista.

Aljur hindi na ginawang masama

Nakahinga na ng maluwag ang fans at suppor­ters ni Aljur Abrenica dahil hindi naman pala completely na masama ang character niya sa The Half Sisters. Bumait na ito at tumutulong na para mailigtas ang magkapatid na Diana (Barbie Forteza) at Ashley (Thea Tolentino) na ayaw tantanan ang pagha­hanap ng kanilang inang si Rina (Jean Garcia).

Natakot din ang mga maka-Aljur na baka tuluyan na itong mauwi sa pagi­ging kontrabida, pero hindi naman gaanong naging malupit ang GMA para sa complete turnabout ng kanyang image. Matatapos ang serye na mabait siya.

vuukle comment

ACIRC

AIZA

AIZA SEGUERRA

ALBIE

ANG

EAT BULAGA

HINDI

MGA

NBSP

PAG

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with