^

PSN Showbiz

Ken Chan brand endorser na sa China!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inuulan ngayon ng biyaya ang GMA Artist Cen­ter star na si Ken Chan dahil siya ang kaisa-isang napili ng isang international brand ng toothpaste bilang bago nitong endorser.

Sinuyod ng nasabing brand ang buong Asya - mula Hong Kong, China, Malaysia, Thailand hanggang Singapore para lang mahanap ang perpektong gaganap bilang bago nilang brand ambassador pero si Ken lamang ang pumasa sa kanilang hinahanap na kwalipikasyon.

Hindi rin alam ng Kapuso talent kung paano siya nahanap ng kumpanya, pero sa tingin niya ay dahil iyon sa mga nauna niyang proyekto bilang TV commercial model. Banggit niya, “When I was 17 years old, I started doing commercials. Doon siguro sila naging familiar sila sa’kin, tapos pinahanap na nila ako.”

Hindi nga niya lubos-maisip na siya ang mapipili dahil alam niyang marami nang sumusubok na makapasa.

Natapos na ang lahat ng photo shoot at filming, at naipalabas na nitong Hulyo sa kalakhan ng China ang kanyang commercial pati na rin ang kanyang mga billboards. Natutuwa rin si Ken hindi lang dahil sa international project na ito pero dahil din mababait ang mga naging katrabaho niya.

Bukod pa rito ay nagpapasalamat siya dahil nabigyan siya ng pagkakataong kumatawan sa Pilipinas, pero kung siya ang tatanungin ay mas gusto niyang mapanood din dito ang ginawa niya.

“Sayang, sana sa Philippines ipalabas kasi siyempre, taga-rito ako. Pero thankful pa rin, kasi syempre magandang opportunity na makita sa ibang bansa.”

Masasabing isa lamang ito sa marami pang oportunidad para kay Ken at tiyak na mas marami pang aabangan ang kanyang mga fans dahil sa pagbubukas ng pagkakataong ito para sa Kapuso star.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARTIST CEN

ASYA

BANGGIT

DAHIL

HONG KONG

KAPUSO

KEN CHAN

NBSP

WHEN I

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with