^

PSN Showbiz

Pareho kasing kaibigan Mayor Erap naiipit kina VP Binay at Sen. Poe?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hinihintay din ng publiko ang magiging dekla­rasyon ng dating pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada. Nariyan pa rin kasi ang matunog na balita na nakatakda umano itong tumakbong muli sa pagka-pangulo al­though sinabi na rin nito na gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang pagiging mayor ng Maynila.

Best friend ni Mayor Erap ang yumaong Movie King na si Fernando Poe, Jr. at malapit ito sa pa­milya ni FPJ laluna sa kanyang kumare, ang Movie Queen na si Susan Roces at inaanak niyang si Sen. Grace Poe-Llamanzares.

Naiipit din sa nag-uumpugang bato ngayon si Mayor Erap na parehong malapit kina VP Jojo Binay at Sen. Grace Poe.

Kung sakaling naisin ni Sen. Grace Poe na tumakbo sa pagka-pangulo, isa lamang sa kanilang dala­wa ni VP Binay ang kanyang dapat suportahan at i-endorso ni Mayor Erap. Malapit din si Mayor Erap sa pamilya Aquino laluna sa yumaong si Pa­ngu­long Cory Aquino.

Sa isang get-together na ipinatawag ni Mayor Erap sa kanyang mga kaibigan sa movie industry, malalaman na siguro kung sino kina VP Binay at Sen. Grace ang kanyang susuportahan.

Samantala, mara­mi ang nagsasabi na sa kaa­ra­­wan ni FPJ on August 20 magdi-deklara si Sen. Grace Poe ng kanyang kandidatura kaya tiyak na ito’y aabangan ng publiko. Dito rin kaya ihahayag ang tambalang Poe at Chiz Escudero para sa 2016 presidential election?

Patrick may dapat ipagpasalamat kay Dennis

Kung gaano ka-open ang bagong magkasintahang Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa kanilang relasyon ay siya namang pa-mystery ang balikan ng dating magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na kahit obvious na ay pilit pa rin nilang binibitin ang publiko sa estado ng kanilang relasyon.

Parehong may tig-isang anak sina Dennis at Jennylyn sa kanilang past relationships. Si Dennis ay may isang anak na lalaki sa dati nitong kasintahan, ang dating beauty queen-actress na si Carlene Aguilar, si Calix Andreas at lalaki rin kay Jennylyn sa actor na si Patrick Garcia, ang 6-year-old na si Alex Jazz.

Noong magkasintahan pa sina Dennis at Jennylyn, ang aktor ang kumumbinsi kay Jennylyn na maging open sa kanyang komunikasyon sa ama ng kanyang anak at maging ang bata sa kanyang ama na sinunod naman ng actress. Magmula noon ay malaya nang nahihiram at nadadalaw ni Patrick ang kanyang anak kay Jennylyn at naging bukas na rin ang kanilang komunikasyon maging sa misis ngayon ni Patrick na si Nikka Martinez. Kaya magaan ang pakiramdam ng lahat maging ni Jennylyn.

ASAP pang-apat na ang makakalaban

Nag-last airing na ang Sunday All Stars (SAS) ng GMA last Sunday kaya sa halip na maging festive ang mood ng bumubuo ng programa ay na­ging malungkot silang lahat dahil karamihan sa kanila ay wala nang regular na programa at outlet na mapaglalabasan.

Marami ang natuwa kina Jay-R at Kyla na mas maaga silang nakawala sa SAS dahil nagkaroon sila ng pagkakataon sa bakuran ng ABS-CBN.

Sa August 9 ay magsisimulang mapanood ang Sunday PinaSaya ang bagong programang ipapalit sa nagpaalam na Sunday All Stars. Dito nga­yon malalaman kung kaya ng Sunday PinaSaya na itumba ang top-rating at long-running musical variety show na ASAP ng ABS-CBN na 20 taon nang namamayagpag sa ere at naging daan ng ilang beses na pagpapalit at pagre-reformat ng show ng Kapuso Network na kanilang sinimulan sa SOP na pinalitan ng Party Pilipinas hanggang sa ito’y maging Sunday All Stars.

vuukle comment

ACIRC

ALEX JAZZ

ANG

BINAY

CALIX ANDREAS

GRACE POE

JENNYLYN

KANYANG

MAYOR ERAP

SHY

SUNDAY ALL STARS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with