^

PSN Showbiz

Bea hindi makapaniwalang may libro na

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa rin makapaniwala si Bea Alonzo na nagkaroon na ng libro ang kanilang pelikula ni John Lloyd Cruz na One More Chance. Matatandaang ginawa ng dalawa ang nasabing proyekto walong taon na ang nakalilipas. “Ang surreal ng pakiramdam, parang hindi kami makapaniwala na ginagawa talaga natin ‘to. ‘Yung book signing ng One More Chance, nostalgic siya. Parang nagkukwentuhan kami about the past, surreal,” pahayag ni Bea.

Malaking bahagi raw sa career ng aktres ang nasabing pelikula dahil talaga namang sumikat ang karakter ni Basha na kanyang ginampanan at ang karakter ni John Lloyd na si Popoy. “Siguro ito milestone at least sa aming dalawa. Sa writers, kay direk Cathy (Garcia-Molina). Siyempre masaya ako na parte ako nito. Excited ako sa mga puwedeng mangyari,” dagdag ng aktres. May bulung-bulungan na posibleng gumawa ng sequel ng pelikula na sinasabing pagtatambalan diumano muli nina John Lloyd at Bea.

May mga linya sa pelikula na hinding-hindi raw makalilimutan ng aktres. “Si­guro ‘yung ‘It takes grown-ups to make a relationship work.’ May gusto rin akong linya ni Lloydie do’n na ‘Kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin dahil may darating na tatama ng mali.’ Gano’n, ‘yun,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Marlo masaya sa album ni Janella

Kamakailan ay nagtapos na ang teleseryeng Oh My G! na pinagbidahan nina Janella Salvador at Marlo Mortel. Masayang-masaya raw si Marlo dahil naging matagumpay ang kanilang programa. “Sobrang saya kasi from Be Careful With My Heart, talagang tinutukan ng mga fans ang love team namin. At maganda ang story na inihandog ng ABS-CBN,” bungad ni Marlo.

Ngayon ay abala ang aktor at si Janella sa pelikulang Haunted Mansion na kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito rin ang kauna-unahang pelikula ng tambalang Mar-Nella. “Right now wala pang show o teleserye but we are doing a movie for MMFF, so sana abangan nila. It’s our first movie na kami pa ang bibida,” nakangiting pahayag ni Marlo.

Bukod sa pelikula ay abala rin ang binata sa kanilang male group na Harana Boys. “Right now ‘yung boy band namin ipu-push through dahil ako lang ang hinihintay for our Harana boy band. Actually so good, nakakatuwa sila kasama. They are very fun to be with and we are really working together,” pagbabahagi ng aktor.

Samantala, masaya rin si Marlo para kay Janella dahil sa pagkakaroon nito ng kauna-unahang album. “I’m so proud of her kasi alam ko talaga singing is one of her passions and I’m just happy for her na nagagawa niya kung ano’ng gusto niya,” pagtatapos ni Marlo.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

ANG

BE CAREFUL WITH MY HEART

BEA

BEA ALONZO

HARANA BOYS

HAUNTED MANSION

JANELLA

JOHN LLOYD

MARLO

ONE MORE CHANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with