^

PSN Showbiz

JaDine may ginawang ‘something’ nang magsama ng 10 days sa Amerika

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Excited and thankful ang magka-loveteam na sina James Reid and Nadine Lustre na finally ay may full length serye na sila, ang On The Wings of Love, na eere na sa August 10 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

“We’re excited siyempre kasi sobrang ganda ‘yung kwento and especially the locations, it’s really beautiful,” sabi ni James.

Bukod sa kuwento at location, inaabangan din ang katawan ni James. Ito kasi ang lamang ni James kay Daniel Padilla, walang takot ang young actor na magpatakam sa mga kababaihan.

Si Nadine naman, feeling niya, mas may res­ponsibility sila sa seryeng ito. “Pero super-excited po kami ni James for this project, kakaiba po ito,” singit naman ni Nadine na in fairness naman ay malayo na ang hitsura kay Kathryn Bernardo. Noon kasing nag-uumpisa si Nadine, talagang ang laki ng pagkakahawig nila ng kapwa niya Kapamilya young actress.

More than a week din silang nag-taping sa San Francisco, USA kaya napuntahan nila lahat ng tourist spots sa nasabing lugar tulad ng Napa Valley, Golden Bridge Gate, at kung saan-saan pa.

Nagpapasalamat din sila sa fans nila sa Amerika na naging supportive at talagang parati silang pinupuntahan sa taping doon.

Aminado rin ang magka-loveteam na mas nagkakilanlan pa sila lalo dahil wala silang mga dalang alalay nang mag-taping sa Amerika. Nagtutulungan daw sila.

Pero may oras din naman daw na parang nagkakainisan sina JaDine pero sandali lang daw talaga ‘yun. Mas lamang daw talaga na trabaho ang inatupag nila.

Sa Aug.10 na magsisimula ang On The Wings of Love sa primetime slot ng ABS-CBN sa ilalim ng Dreamscape team.

Si Antoinette Jadaone ang nagdirek nito kaya nakaka-excite. Mahusay magpakilig si Direk Antoinette kaya kahit sa trailer pa lang, wagi na.

Kris tinalo ang kuya, inaming mas mahal si Susan Roces?!

Wow, parang nagbago na nga si Kris Aquino. Tikom pa rin daw kasi ang presidential sister kung sino ang kanyang pambato sa darating na 2016 presidential elections. Ayon sa Queen of All Media, nag-iisip pa rin siya kung kanino niya ibibigay ang buong suporta.

Sabi ni Kris na alam ng kanyang kuya na si President Noynoy Aquino na talagang malapit sa kanyang puso ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces at ang anak nito na si Sen. Grace Poe, na napapabalitang nag-iisip-isip kung sasabak sa halalan para sa mas mataas na posisyon.

Dagdag pa ng bunsong kapatid ni P-Noy sa interview sa kanya, na alam daw ng kanyang kuya na hindi siya magsasalita kahit isang salita kung hindi rin lang niya susuportahan ang kandidato ng Presidente. Ito raw ang kanyang pangako sa kanyang Kuya Noy.

Although kinakapatid niya si Sec. Mar Roxas dahil ninang niya ang ina nito na si Ms. Judy Araneta Roxas, inamin sa isang panayam sa TV, na super close sila ni Ms. Roces at ni Senator Grace.

“(President) Noy knows that Tita Susan holds a very special place in my heart; Grace and I are good friends,” pahayag ni Kris sa ABS-CBN.

Patungkol naman kay Vice President Jojo Binay, na minsan nang napabalita na sinuportahan ng mga Aquino sisters, nasasaktan naman daw sila kapag inaatake ang kanyang Kuya Noy.

So read between the lines na lang. Kilalang loyal na kaibigan si Kris at walang nakakaimpluwensiya sa kanya. Kaya talaga naman kapanapanabik ang election sa 2016. Para kasing totoong teleserye.    

vuukle comment

ACIRC

AMERIKA

ANG

DANIEL PADILLA

DAW

DIREK ANTOINETTE

GOLDEN BRIDGE GATE

GRACE AND I

KUYA NOY

ON THE WINGS OF LOVE

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with