^

PSN Showbiz

Dahil kay Grace at Chiz, birthday ni FPJ inaabangan na

THAT’S ENTERTAINMENT - Pilipino Star Ngayon

Sa Agosto 20 nga ba iaanunsyo nina Senators Grace Poe at Chiz Escudero ang kanilang kandidatura bilang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa para sa eleksyon sa 2016? Mahalaga ang petsa na ito dahil kaa­rawan ito ni Da King Fernando Poe, Jr., ama ni Senadora Grace at sinuportahan ng mabuti ni Senador Chiz nung tumakbo ito sa pagka-pangulo bago siya pumanaw.

Ngayon pa lamang ay pinakaaabangan na ng lahat ang araw na ito.

Mariel doble ang blessing kapalit ng ‘nawala’ nilang panganay ni Robin

Made in Spain particularly, ang kambal na ipinagbubuntis ni Mariel Rodriguez-Padilla. I’m sure ecstatic sila ni Robin Padilla. Matapos makunan si Mariel sa kanilang panganay ay muli itong pinagkalooban ng Diyos ng pagkakataon na magkaanak muli, at dala-dalawa pa!

Binabati ko sila and wish ko ay safe pregnancy kay Mariel.

Kahit ayaw, Barbie no choice sa debut

Bless the good hearts of Jean Garcia, Jomari Yllana, and Mel Martinez dahil sa ayaw at gusto ni Barbie Forteza ay binigyan nila ito ng isang simpleng debut sa restaurant ni Mel na Cucina ni Bunso. Bukod sa kainan, may first dance si Barbie with her dad at binigyan siya ng roses ng mom niya at Kapuso friends.

Masaya na sana siya na pasayahin ang mga batang cancer patients sa Philippines Children’s Medical Center pero ang surprise party na ibinigay sa kanila made her birthday more memorable. Happy birthday, Barbie!

vuukle comment

ANG

BARBIE

CHIZ ESCUDERO

DA KING FERNANDO POE

JEAN GARCIA

JOMARI YLLANA

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ-PADILLA

MEDICAL CENTER

MEL MARTINEZ

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with