^

PSN Showbiz

John Lloyd limot na ang nangyari sa kanila ni Shaina

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Muling nagkasama ang dating magkasintahan na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa teleseryeng Nathaniel. Ayon sa aktor ay hindi niya makalilimutan ang kanyang karanasan sa nasa­bing proyekto. “Sobra akong nag-enjoy do’n. Napakabait nila, napakagaan nilang katrabaho. May respeto sila sa mga artista, sa mga tao nila and it’s the kind of set na gusto mong mapabilang. Maswerteng-maswerte ako na na-experience ko ‘yung show na ‘yun,” pagbabahagi ni John Lloyd.

Hindi raw nagdalawang isip ang binata nang mabalitaang magkakaroon siya ng guesting sa Nathaniel kahit na alam niyang makakatrabaho si Shaina. “We’re all grown ups. Ang tagal na no’n at wala naman talagang issue eh. Actually no’ng nag-decide ako na mag-offer ng trabaho na, ‘Sige puwede ba akong maging part ng Nathaniel?’ Actually hindi ko naisip na ‘Ooops! Oo nga pala nandiyan si Shaina.’ Wala na po talaga ‘yun eh,” paliwanag ni John Lloyd.

Maganda raw talaga ang turingan nila ngayon ng aktres kaya hindi nagkaroon ng tensyon sa set ng Nathaniel. “Eh pagdating ko hindi ko siya nakita, siya pa ‘yung nag-welcome sa akin sa set nila,” maikling kuwento ng aktor.

Daniel at Erich walang inililihim sa fans

Aminado si Daniel Matsunaga na malaki ang paghanga niya sa kasintahang si Erich Gonzales sa pagiging magaling na aktres nito. “I’m the number one fan. Sobrang galing and nakita ko siya sa Two Wives, I can see it despite being tired sa set, whatever happens sa set, sa personal life niya. You can see when she’s at work talagang professional,” bungad ni Daniel.

“You can really see that she’s a really good actress like kung pagod ka, puyat sa mga eksena, iyak nang iyak. I was really amazed and unbelieveable to actually do that and she’s able to do that,” dagdag ng model-actor.

Nakatakdang magtambal nina Daniel at Erich sa te­leseryeng Be My Lady. Wala raw problema kay Daniel kung sakaling magkaroon man sila ng ibang katambal ni Erich sa mga susunod pa nilang proyekto. “Yes, of course. We are very professional, me, Erich. Alam ko she’s a very good actress and maybe in the future there will be other love teams and everything. That’s part of our work and we understand that. We are in this together and we know that this is part of showbiz,” paliwanag niya.

Samantala, madalas na ibinabahagi nina Daniel at Erich sa mga tagahanga ang kanilang mga ginagawa at kung ano ang nararamdaman sa pamamagitan ng Instagram at wala raw masama rito para kay Daniel. “There is no reason for hiding. For me once you feel something for another person that is really real, why would you hide from other people especially sa showbiz ‘di ba? We have to give it to the fans as well because that’s your personal life and they should accept the way you are,” pagtatapos ni Daniel.        

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

ANG

BE MY LADY. WALA

DANIEL

DANIEL MATSUNAGA

ERICH

ERICH GONZALES

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

NATHANIEL

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with