^

PSN Showbiz

Barbie binigyan ng instant debut!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi pumayag ang friends ni Barbie Forteza na basta na lang lilipas ang 18th birthday niya ng walang party. Kaya lingid sa kaalaman ni Barbie na binig­yan siya ng surprise party ng mga kasama sa The Half Sisters sa pangunguna nina Jean Garcia, Mel Martinez at Jomari Yllana. Ginawa ang surprise party sa Cucina Ni Bunso restaurant ni Mel.

Dumating sa surprise party ang close friends ni Barbie na sina Bea Bi­nene, Thea Tolentino, Krystal Re­yes, Joyce Ching at Louise delos Reyes. Present din sina Andre Paras at Kristoffer Martin.

Nakatutuwa dahil kahit simpleng celebration ang nangyari, pina-feel kay Barbie na debut niya ang okas­yon. Nag-first dance siya with her dad at binigyan siya ng roses ng mom niya at mga kaibigan.

Anyway, masayang nag-debut si Bar­bie dahil may bago siyang show, kasama siya sa Sunday PinaSaya bilang si Pabibo Girl. Tuloy pa rin ang The Half Sisters at gagawin niya ang indie film na Mga Isda Sa Tuyong Lupa ng BG Productions International ni Baby Go.

Busy din ito sa kanyang Adopt-A-Room campaign na deadline na sa August 5. Para sa indigent patients ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) ang campaign na naisip ni Barbie para mas matulungan ang mga batang may sakit.

Louise binantaan ng fans ni Alden

Na-interview namin si Louise de­los Reyes sa presscon ng My Faithful Husband at inamin niyang may nag-post sa Instagram (IG) niya ng message na “Stay away from Alden (Richards).” Hindi niya alam kung AlDub fan nina Alden at Yaya Dub ang nag-post, pero para positive ang feed niya sa IG, agad niyang dinelete ang post.

Sabi ni Louise, walang dapat ikabahala ang AlDub fans dahil love team at friends lang sila ni Alden at natutuwa siya sa kasikatan ng love team nila ni Yaya Dub. “Napapanood ko sila sa Eat...Bulaga, cute sila at natutuwa ako sa kanila.”

Sa sobrang kabisihan, hindi na niya masyadong nakikita at nakakausap si Alden at nang magkita sila sa Grand Kapuso Fans Day, kinantyawan nila itong magkaroon naman ng oras para sa kanilang mga kaibigan nito.

Pabirong inintriga ng press si Louise dahil hindi siya ang bida sa drama series na magsisimula sa August 10, tapos bida-kontrabida pa ang karakter niya. Pero sabi nito, masaya siya sa role niya dahil magagaling na artista ang kasama sa cast at si Joyce Bernal pa ang director.

Samantala, pinasok na rin ni Louise ang restau­rant business dahil isa siya sa three owners ng North Wing Restaurant sa Maginhawa Food Strip. Ipinauna na nito sa mga kaibigan niyang pupunta sa resto, wala munang libre dahil kabubukas lang ng North Wing, pero marami na ang diners.

Raymond madadalas ang pagrampa sa mga red carpet

Marami ang nag-congratulate kay Raymond Gutierrez dahil kinuha siya ng E! Chanel para maging host ng E! News Asia at iku-cover niya ang red carpet, press junkets at exci­ting events sa Asia.

Sabi nito, “definitely a dream come true and career highlight! Catch my coverage of #GardenBeats music festival soon on E! Asia.”

Kaya bukod sa It Takes Gutz to be A Gutierrez, mapapanood din sa News Asia si Raymond at sa husay nitong mag-host, hindi nakagugulat kung magka-offer pa siya sa ibang show ng E! Channel.

Edgar Allan mas pinili si Alex kesa kay Max?

Nagtatanong ang EMax fans nina Edgar Allan Guzman at Ma­xene Magalona kung bakit hindi sila ang pinagtambal sa bagong Star Cinema movie na I’ll Never Get Over You. Si Alex Gonzaga ang leading lady ni Edgar sa nasabing pelikula to be directed by Enrico Santos.

Dagdag pang tanong ng EMax fans kung saan nila mapapanood ang favorite love team nila dahil sa movie, si Alex nga ang ka-partner nito at sa teleser­yeng Doble Kara, si Julia Montes naman. Paano na raw silang fans ng dalawa?

Maganda ang takbo ng career ni Edgar, paano na kaya ang love life nito? Okay pa rin kaya sila ng GF niyang si Shaira Mae dela Cruz na talent ng TV5?

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARBIE

DAHIL

HALF SISTERS

NBSP

NEWS ASIA

NIYA

SHY

SIYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with